Back to presentHindi parin ako makapaniwala na magkakaroon ako ng ka-Mutual Understanding sa ngayon.
Ayaw ko muna sana pero sa sumasaya ako kapag nakakausap ko siya. SOBRANG SAYA pala sa pakiramdam ang mainlove.
"Haaay. Annika Mortier, what's in you?" parang baliw ko nalang na tanong sa sarili ko sabay gulo sa buhok ko na mejo abot na sa mata ko. Ako din nahihirapan sagutin kung bakit ko siya gusto.
Sabado ngayon, katatapos naming gumawa ng mga props. Nakasama ko rin si Annika at mga kagrupo pa namin sa Filipino kanina. Gaya nga ng kasunduan namin, kapag sinabi niya kung sino yung nagsulat ng letter, bibigyan ko siya ng Fres candy na tatlo. Naibigay ko na sakanya yun kanina nung katabi ko siya, namumula pa nga at di makapagsalita. Hindi ko alam kung nahihiya siya o masakit lang yung nagunting niyang kamay kaya siya ganun.
Gusto kong titigan yung mala-manika niyang muka pero hindi pwede kasi wala pang nakakaalam ng tungkol sa amin. Nung first day ng pasukan parang hindi niya naman ako natitipuan. Kung hindi lang siya makulit at palatawa noong araw na yun siguro hindi ko siya napasin. Hindi ako yung lalaking madaling ma-attract sa babae kaya nagtataka din talaga ako kung bakit ko siya ganun kadaling nagustuhan. Si Dex hindi niya alam na gusto ko si Annika pero napapansin niyang madalas akong tumitingin kay Annika.
Wala muna akong balak sabihin sa ngayon sa mga kaibigan ko, tsaka hindi din naman ako mahilig magkwento at ayaw ko din naman na sinasabi lahat ng nasa isip ko.
-
"Wala na akong pera bukas nalang." tanggi samin ni Dex, balak naming maglaro ngayon kasama namin si Anthony isa din naming kabarkada.
"May kotse wala namang pera. Tinda mo na yan!" biro ni Anthony kay Dex.
"Baka gusto mong ikaw itinda ko." sagot naman ni Dex sakanya. Hindi lang din naman matutuloy yung laro nagbangayan pa. Mga bugok talaga!
Ihahatid na kami ni Dex ngayon, madalas siya na yung taga hatid namin kaya nakakatipid kami minsan ng pamasahe.
Nandito kami ni Anthony sa likuran, si Dex nagda-drive. Nagpatugtog si Dex sabay kumanta pa silang dalawa ni Anthony. Nakakasabog! :[
Mahilig ako makinig ng music pero yung maganda lang. Mahilig din ako kumanta pero sa isip ko lang ayaw ko ilabas baka gumuho pati mundo.
Nagulat ako nung biglang may nagvibrate sa bulsa ko.
Kinuha ko yung cell phone ko para tignan kung ano yun...
1 message received.
From: AnnikaThank you sa candy kanina :)
Napangiti nalang ako nung nabasa ko yung text niya, para siyang bata nakakatuwa. Sa dami dami ng pwedeng hilingin candy pa ang gusto. Pinunta ko sa message box para mareplyan siya.
Enrico
Haha :) Welcome.
-SENDPagkasend ko nung message saktong nakarating narin kami dito sa bahay. Nagpaiwan na din si Anthony kaya magkasama parin kami ngayon.
"Kadaming magaganda sa room ano? Sino type mo?" tinignan ko si Anthony nung bigla niya akong tinanong.
"Wala." sagot ko naman. Si Annika type ko pero sabi sakin Gervis nasabi daw sakanya ni Anthony na type niya si Annika. Napansin ko rin yun nung kumanta si Annika sa harapan kasi titig na titig siya. Wala naman akong magagawa kung magustuhan niya rin si Annika, maganda kasi tapos mabait pa.
"Eh si Mina?" tanong niya ulit.
"Oo." sagot ko nalang para hindi niya na ako guluhin. Nakakairita.
Tumawa siya nung nag- oo ako. BUGOK talaga kahit kailan buti nalang at hindi pa namin kasama si Dex kundi mas magulo nanaman.
Binatukan ko nalang para tumigil na tapos nakipaglaro na siya sa kapatid kong lalaki, close sila kaya madalas din siya dito.
Kinuha ko yung cell phone ko para itext si Annika, nagvibrate kasi kanina kaso hindi ko muna pinansin kasi baka makita ni Anthony.
1 message received..
From: AnnikaMay sasabihin pala ako.
Pinunta ko nalang sa message box para tuloy tuloy na yung text.
Enrico
Ano yun?
Annika
Wag ka magagalit ah?
Enrico
Oo. Ano yun?
Annika
Hmn. Yung tungkol kasi sa letter hindi talaga ako yung nagsulat nun. Matagal na akong may gusto sayo kaso hindi ko masabi kaya yun nalang ginawa kong paraan, Sorry. :( Si Mina yung nagsusulat ng letter sayo, nagkataon lang na nahulaan ko yung letter niya na tungkol sa mata mo.
Nalungkot ako pagkabasa ng text niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, naiinis ako na nalulungkot na kinakabahan. Nasabi ko kay Anthony na type ko si Mina, madaldal yun at alam kong sasabihin niya sa Monday. Kapag nalaman ni Mina baka isipin niyang totoo yun, pag nalaman naman ni Annika siguradong malulungkot siya. TAE NAMAN!
Ibinalik ko sa message box nung may nagtext ulit.
2 message received..
From: Annika- Sorry Enrico :( kung gusto mo na si Mina ok lang papabayaan kita. Baka kasi kaya mo lang din ako nagustuhan dahil sa letter ayaw ko naman na ganun.
- Sorry talaga.
Mga babae talaga. Akala lahat ng lalaki manloloko, hindi naman ako magkakagusto sa babae dahil lang sinulatan ako ng letter. -_- Ang babaw. Tss. Ipinunta ko nalang ulit sa message box para itext siya.
Enrico
Hindi ko gusto si Mina, ok lang sakin kung hindi ikaw nagsulat nun.
Annika
Hmn. Sige sorry ulit, iloveyou :)
Nakakagulat pero kinikilig ako. Nakakawala ng inis. Ang gandang basahin ng paulit ulit. Alam kong hindi normal sa lalaki ang kiligin kasi parang bakla. Pero tae napangiti ako nung nabasa ko. Hindi ko alam sasabihin ko, hindi ako sweet na tao. Ayaw kong nagsasabi ng ganun at wala din akong hilig magpakita na may pakealam ako sa tao.
Enrico
Haha. :D Sige.
-SENDHindi ko talaga kaya sa ngayon na magsabi ng ganun. Hindi ako sweet pasensya. Maiintindihan niya rin ako pag alam niya na.
KAMU SEDANG MEMBACA
Ain't enough
Fiksi RemajaHappy life of being single is the life of Annika Mortier before. She's beautiful and intelligent. Perfectly bestfriend ni Lindsey Jean Ramos, and they were like twin sisters. Suddenly, dumating ang "Boy Alien" Enrico Onyx Valderama ni Annika unexpec...