A/N: Grammatical errors are present in the story.
Chapter One
"Pa naman, bakit ngayon pa?" inis kong tanong. Ngayon na ang alis ko papuntang pilipinas pero hindi siya makakasabay dahil may unexpected emergency sa trabaho."I'm sorry, Darling. Itetext ko nalang si Kennedy at ipapasundo kita sa airport." sabi ni papa at kinuha ang cellphone nito.
"wag mo nang tawagan, Pa."
"huh?"
"I mean, wag mo na akong ipasundo sa airport. Just give me their address, kay Ayla nalang ako magpapasundo." sabi ko habang minenessage si Ayla.
"Ayla? the girl who comes to our house back then along with the short and tall girl?"
Natawa ako. Short and Tall girl? i wonder kung maliit parin si Arine at
kung tumigil na sa pag tangkad si Len."Yes."
"oh, sige ibibigay ko nalang sa'yo yung address ng Ninang Kennedy mo."
"Actually, i'm planning to stay in Ayla's house for a while. Gusto kitang kasama pag pumunta tayo kina ninang." sabi ko na nahihiya pa.
"Then why bother asking me for your ninang's address?" natatawang tanong ni papa. Feel ko namumula ako ngayon sa hiya.
"kasi nung nagreply agad si Ayla kaya naisip ko na habang nandito pa ay sabihin kona." sabi ko habang nakayuko. Tinatago ang mukha dahil sa hiya.
"That's okay. Go on, mahuhuli kana sa flight mo." niyakap ako ni papa. "See you in Philippines, Darling." hinalikan ni papa ang noo ko at humigpit ang yakap sakin.
Nangilid agad ang luha ko at pinigilan ang sarili na hagulgol. "S-See you there, p-pa."
"Don't cry, Fyne. You'll be fine." para akong baliw dahil umiiyak ako pero tumatawa.
"Don't say that nga. It's weird." pinunasan ko ang mata na basa dahil sa luha.
"Ok, haha. I love you. See you there." sabi ni papa at pinunasan din ang kanyang mata. "I love you too, Pa." niyakap ko ulit ito.
Naglakad kami palabas ng bahay at naabutan namin ang mga gamit kong nilalagay nila sa compartment. Humigpit ang yakap ni papa sakin.
"Go. Sumakay kana at baka mahuli ka talaga sa flight mo."
Tumango lang ako. Papasok na sana ako ng sasakyan nang makita ko ang matanda kasama ang kapatid kong babae, step-sister actually.
"Hey, Ingat ka sa flight mo, Fyne." nakangiting sabi sakin ni Icy. Kahit anak siya nang babaeng kinaiinisan ko ay never ko siyang tinuring na iba, dahil para sakin ay kapatid ko siya, kadugo man o hindi.
"Yeah, i should be ingat. Thank you, Yelo. I wish you could come but the hag is strict, e." natawa siya sa sinabi ko. Kahit nanay niya ang sinasabihan ko ay hindi siya nagagalit sakin.
Hindi lang naman ako ang may ayaw sa matanda kahit siya ay ayaw sa ugali ng nanay niya, pero ni isang beses ay hindi niya ito kinausap ng walang respeto.
"It's Icy not Yelo." napairap siya pero sa huli ay tumawa. Tumingin ako sa nanay niya at tinaasan lang ako ng kilay.
aba. huh!
Sarkastiko akong natawa pero nawala din yon at seryoso ko siyang tignan. Hindi ko na siya pinansin at nagoatuloy nalang sa pagpasok sa sasakyan. Binuksan ko ang bintana at nagpaalam muli sa kanila.
BINABASA MO ANG
HEIR SERIES 1: The Billionaire's Heiress
Teen FictionHEIR SERIES 1 Fynessa Bartolome, was sent by her Father -Who is one of the three most succesful Billionaires in the world- to Philippines. Kasama ang mga kaibigan niya ay pumunta sila sa Cafe para kumain at magpahinga. Then they played truth or dare...