Chapter Eleven
"THIS COMING Saturday, which is bukas na, magkakaroon tayo Camping. Lahat ng kagrade level niyo lang ang makakasama." sabi ng guro pagpasok na pagpasok sa loob.
Lahat ng kagrade level ay kasama, so ibig sabihin ay makakasama ko sina Ayla!
Napuno ng hiyawan ang loob ng classroom. Ang iba ay nagpaplano na, ang iba ay gusto ng umuwi, kung sa bagay ay last period na rin naman ito.
"And wag kayo magalala, bago ko pa sabihin ito sa inyo ay nasabi ko na ito sa mga magulang niyo. Lahat ay pumayag. Ang pamasahe ay libre na ang pagkain niyo lang ang hindi."
"Ma'am! Sa camping site po ba tayo magcacamping?" nagtaas pa ng kamay si Tint at inosenteng nagtanong. Lahat ay nagtawanan.
"Sige, Tint, subukan mong magcamping sa Mall ng maiba namang animal ka!" binatukan siya ni Kieffer at nakangusong bumalik ng upo.
"Now, pick your own partner dahil bawat Tent ay dapat dalawang tao para hindi maging masikip sa camping site."
Pagkasabing pagkasabi non ay nagkagulo ang lahat. Wala namang ginawa ang guro at pinabayaan lang kami. "Ma'am," tinawag ni Vlad ang guro.
Halos lahat sila ay may kapareha na, ako naman ay hindi nagabala maghanap. With or without partner, i can live one day.
"Yes, Arco?" Tanong ni Ma'am. "Is it possible na pwede naming maging kapartner ang tagakabilang section?" Tumango si ma'am.
"Is it okay kung partner ko si Fyne?" Nabigla ako sa tanong ni Vlad. Halos lahat ay napatigil maging ang nagkakagulo kanina. "Ah... it's okay naman tutal matagal na kayong magkakilala." Hindi ko inaasahang sagot ng guro.
"Pero ma'am, lalaki si Vlad baka may mangyari pa d'yan." Nainis ako bigla sa narinig ko.
"Hayaan niyo na, mukhang sanay naman siyang matulog sa mga lalaki." Nilingon ko ang nagsalita Well, sino pa ba ang aasahan ko edi si Tine lang naman.
Tumikhim ang nasa harapan. "Bakit Tine? Kayo ba ang nakasama nila ng matagal at parang kilala mo sila, ha?" Napatingin kaming lahat sa guro.
Napapahiyang yumuko si Tine. "Iyan ang problema sa inyong mga kabataan. Lahat binibigyan ng malisya, lahat ng makita iniissue. Hindi porket magkasama ang babae at lalaki ay may relasyon na. Bawal ba maging magkaibigan ang babae at lalaki? Kasi sa nakikita kong relasyon sa kanilang dalawa ay pagkakaibigan lamang at wala ng iba." Sabi ni ma'am at itinuro pa kami ni Vlad na magkatabi.
The room filled with silence after what the teacher said. Pagkatapos non ay lumabas na siya ng classroom. She really has a point, and bakit kasi nangingialam 'tong si Tine.
"Oh, Tine," tinawag ko siya ng may kung anong ideya ang pumasok sa isip ko. Hindi ako magkakamali sa isang 'to.
Nakataas ang kilay na hinarap niya ako. "What?"
"Siguro, kaya lagi kang galit sa 'kin Pag kasama ko ang mga 'to," turo ko kina Kaiden. "lalo na pag si Vlad ang kasama ko. Do you like him?" biglaang tanong ko.
Nanlalaki ang mga mata niya akong tinignan. "What? no!" namumula ang mga pisngi niya. Obvious ka naman 'te.
"It's obvious, bruh. Kaso hindi kita bet para sa kanya." binigyan ko siya ng matamis na ngiti. Nakatulala ko siyang tinalikuran at humarap sa magkakaibigan.
"She likes me?" tanong agad ni Vlad. "It's obvious! Ang manhid mong hayop ka pero as i said, hindi ko siya bet para sa'yo." umupo ako sa upuan ko.
"Iba ka talaga, Fyne." ani Kieffer.
BINABASA MO ANG
HEIR SERIES 1: The Billionaire's Heiress
Teen FictionHEIR SERIES 1 Fynessa Bartolome, was sent by her Father -Who is one of the three most succesful Billionaires in the world- to Philippines. Kasama ang mga kaibigan niya ay pumunta sila sa Cafe para kumain at magpahinga. Then they played truth or dare...