CHAPTER FOUR

235 12 1
                                    

Chapter Four

"SEE you next time," maaga palang ay nagpaalam na kami kina Ayla dahil aalis na kami sa kanila. Marami pa silang sinabi samin kesyo bumisita raw kami ulit.

Humiram muna kami ng isa nilang kotse para may magamit kaming sasakyan papunta sa bagong biling condo ni Vlad. Pagpasok namin ay may iilan ng gamit na nakaayos na at may iilan na nakabox pa at nakakalat.

Hindi na ako nagabala na kunin ang gamit ko sa sasakyan dahil pagsundo namin kay papa ay didiretso na kami kina ninang. "Let's go, shall we?"

Tumango lang ako at sinundan siya palabas. Siya na ang nagmaneho ng sasakyan dahil tinatamad ako.

"Anong oras ang labas ng papa mo?" tanong niya.

"Malapit na- Papa!" mabilis akong tumakbo ng makita ko si papa na kakalabas lang. "How are you, Darling?" tanong ni papa at hinalikan ang noo ko.

"I'm fine."

"Yes, You are Fyne." biro ni papa na nginiwian ko lang.

"Hey there, Vlad." hinawakan ni papa ang buhok nito at ginulo. "Hi, tito."

Sumakay agad kami sa kotse at dumiretso sa village ni ninang. "Just stop right there. The cream colored house." turo ni papa. Nagmukha tuloy driver si Vlad sa ginawa ni papa.

Lumabas kami sa sasakyan at binitbit ang mga maleta ko. Dala ni papa ang maliit niyang maleta, samantalang si Vlad ay dala ang dalawa kong maleta at akin ang isa.

Nagdoorbell kami ng dalawang beses. Pinagbuksan naman kami ng lalaki na mukhang pamilyar sa'kin.

"Oh my god, Ikaw na ba iyan, fyne hija?" Hindi pa man kami nakakapasok ay narinig na namin ang malakas na boses ni ninang.

"Kennedy!" malakas na bati ni papa nang makapasok kami. Sa halip na pansinin si papa ay sa'kin ito dumiretso.

Why ninang's other face features seems familiar?

"Ang ganda ganda mona, hija." niyakap ako nito.

"Good Morning po, ninang."

"Good morning. And who is this young man right here?" binalingan niya si Vlad na nasa likuran ko. "Is he your boyfriend?" Nanlaki agad ang mata ko.

"No. He is not my boyfriend, he is just a close friend of mine." narinig ko ang mahinang tawa ni Vlad sa likuran ko.

"Why? He's handsome."

Lumingon ako kay Vlad. Nginisihan naman ako nito. "Yes indeed, I am handsome. But she's just a friend, Mrs Kennedy."

Handsome pa nga.

Niyaya kami nitong maupo. "Mamaya ay ituturo ko sa iyo ang kwarto mo. How about you, Young man? Ipapaayos ko yung isang kwarto para sa'yo."

"No need po. I have my own condo near your village." Vlad cooly said.

"Okay. What's your name, hijo?"

"Vlad." nginitian lang siya ni ninang at kinausap pa. Nagpahanda si ninang ng almusal para samin. Nang makakagat ako ay biglang bumukas ang pinto. Naramdaman kong natigilan si Vlad sa tabi ko kaya tinignan ko ito.

"What's wrong with you?" sa halip na sagutin ay tumingin lang ito sa'kin.

"Nandito kana pala. Good morning, baby."

"Good morning, mom. Are they here already?" His voice. I think i've heard this voice, It's familiar.

"Yes. Nga pala pakitulungan naman si fyne sa mga maleta niya at dalhin mo sa kwarto niya." tinignan ko si ninang. "Fyne, sundan mo nalang si Kaiden sa kwarto mo." Nanlaki agad ang mata ko sa narinig.

HEIR SERIES 1: The Billionaire's Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon