Chapter Ten
"MAGDDATE daw 'tong dalawang 'to mamaya," napapikit ako sa inis sa pangaasar nila samin. Paano ba kasi nila nalaman? It's not that may tinatago kami, kasi yung pag pair nga namin ay naissue ito pa kayang gagala lang kami na dalawa.
Simula pagpasok namin pinagaasar kami. Nung naglunch, nakaabot din kina Ayla tapos ngayon buong klase na ang may alam.
"We'll just hangout nga lang!" sigaw ko sa kanila. Ilang minuto nalang ay matatapos na ang klase kaya todo ang pangaasar nila.
Tinignan ko si Kaiden na ngayon ay nakakunot din ang noo.
Sa sobrang inis ay nilapitan ko siya. "Magpaplano na 'yan." hindi ko pinansin si Kieffer. Hinawakan ko ang pulsuhan niya at hinila siya palabas tutal wala namang teacher.
Nakapameywang akong nakatayo sa harapan niya at siya naman ay nakayuko at pinaglalaruan ang daliri.
I sighed heavily. "How did the fuck they know?"
"Ah, kasi... k-kagabi,"
"Ayusin mo, 'di kita maintindihan. Saka natatakot kaba? hindi ako nangangain, hoy."
"okay, last night, nung tinanong kita akala ko tayong dalawa lang ang naroon tapos naabutan ko yung dalawa na nakadapa sa hagdan, nakikinig." at ang dalawang 'yon ay walang iba kundi sina Ink at Vlad.
Tumango ako at ngumiti. Nang tumalikod ako ay inalis ko ang ngiti at nangunot ang noo. Pumunta agad ako sa direksyon nina Ink at Vlad na masayang nagkukwentuhan.
Pareho silang nagulat ng umupo ako sa bakanteng upuan sa gitna nila. "Hi,"
"H-Hi." sabay na sabi nila at nakita ko pa ang paglunok. "Now tell me..."
"Why the fuck are you listening at some people's conversation, huh?!" sigaw ko na ikinagulat ng lahat. Pinitik ko ang magkabilang tenga ng dalawa. Nang pitikin ko ay nakanguso nilang tinakpan iyon at lumulukot ang mukha sa sakit.
"At kayong mga chismoso at tagakalat ng issue," sinenyasahn ko si Kieffer at Tint na lumapit sa 'kin. Nagtutulakan pa ang dalawa kuhng sino ang unang lalapit kaya sa inis ay ako na ang lumapit.
Hinawakan ko sila sa balikat at pinaupo at sabay pinitik ng pagkalakas ang noo nila.
"And now, nagsisiga-sigaan siya dito. As far as i know, kinaibigan niya lang sina Kaiden para sumikat." narinig ko ang bulungan ng mga babae kong kaklase na nasa harapan.
"Una si Kaiden, ngayon ang buong magkakaibigan? Such a whore." i tsked.
"Gano'n ba talaga ang mga linyahan ng mga babaeng naiinggit?" sinadya kong lakasan ang boses ko habang nakaharap sa mga pinitik ko.
Tumawa sila lalo na si Kieffer na sobrang lakas tumawa kulang nalang pumalakpak. "Are you referring that to us?" nilingon ko ang mga babaeng kanina ay naguusap. Kumpol silang nakatayo ngayon sa harapan.
Agad na pumalibot ang mga kaklase namin sa gilid namin. "As far as i remember, i didn't mention any names. Bakit natamaan kayo?"
Napaawang ang labi niya pero bumalik din sa dati. "Fyne, please be aware. Bago kalang dito, pero kami, ilang taon ng narito sa school na 'to,"
Hindi ko siya sinagot. Tinignan ko lang siya habang nakaupo sa upuan na nakaharap sa kanila.
"Kahit magkaklase tayo hindi mo ako kilala. Kung hindi mo alam, mas mayaman ako sa 'yo and i have gangs."
Sarkastiko akong tumawa at kalmadong tumingin sa kanya.
"Oo na, sa'ting dalawa ikaw na ang mas mayaman," diniinan ko pa ang dalawang salita na ikinatawa ng magkakaibigan sa likod ko, ngayon ko lang napansin na nasa gilid ko na pala si Vlad.
BINABASA MO ANG
HEIR SERIES 1: The Billionaire's Heiress
Teen FictionHEIR SERIES 1 Fynessa Bartolome, was sent by her Father -Who is one of the three most succesful Billionaires in the world- to Philippines. Kasama ang mga kaibigan niya ay pumunta sila sa Cafe para kumain at magpahinga. Then they played truth or dare...