CHAPTER TWO

339 8 0
                                    

Chapter Two

"Ikaw na ba yan, hija?" Bungad na tanong ng mama ni Ayla sa akin. Nakangiti akong tumango ganon din sa papa niya.

"Ohmygod! ang laki ng pinagbago mo, hija. Dati malusog lusog pa ang katawan mo, ngayon may kurba na!" Gusto kong mahiya sa pagpuri ni tita sakin. Alam ko namang malaki pinagbago ko pero nakakahiya masabihan non.

"Oh, sino naman ang binatang ire?" lumapit naman si tita kay vlad na ngayong nakatayo ng tuwid sa likuran ko.

"Ahm, si Vlad nga po pala, tita. Kaibigan ko po." nakangiti kong sabi. "Hi po,"

"Hello, hijo. I'm Aylin Alcantara. Kung tatawagin mo akong Mrs. Alacantara ay hindi ko 'yon matatanggap, kaya call me tita nalang." nakangiting sabi ni tita na hinawakan pa ang kamay ni Vlad.

Tinunggo namin ang sala para doon magusap usap. Nagpahanda din sila ng meryenda para may makain kami.

"Are you staying here for vacation only or for good, fyne?" napalingon ako kay tito sa tanong niya.

"oh, that. I'm staying here for good, tito. Actually, i'll be staying in my ninang's house here in Cavite, doon dapat ako uuwi ngayon kaso hindi nakasama si papa paguwi, kaya napagisipan kong dito muna magstay."

Napatingin ako sa mga kasama ko. Napansin kong patinggin-tinggin si Arine kay Vlad na katabi ko lang.

Hm. isesecret ko nalang, Arine para 'di ka muna asarin.

"oh, siya. Magsipag-akyatan na kayo sa kwarto niyo. Ipinaayos ko na yung dalawang guest room na gagamitin niyo sa taas, kaya magpahinga na kayo." sabi ni tita na binubugaw kaming lima paalis ng sala.

"Anong oras ang alis bukas? Sasama kaming tatlo sa pagpili niyo ng condo ni Vlad." sabi ni Len na hirap na hirap sa pag akyat ng maleta kong mabigat.

"I think sa Wednesday nalang tayo tumingin ng condo. Fyne looks exhausted. I bet, if we go tomorrow, Fyne will just sleep all day." sinamaan ko nang tingin si Vlad pero tinawanan lang ako ng loko, sinabayan din siya ng tawa ng tatlo.

Pagpasok ko ng kwarto ay nahiga kaagad ako. Ipinasok nila Ayla ang tatlo kong maleta at sinarado agad ang pintuan para makapagpahingga agad ako.

To: Papa

'pa, i'm here at Ayla's place na. Kadadating lang namin dito.'

From: Papa

'sige magingat kayo dyan. I think about 3 days after ay nandyan na ako. Tsaka i-tour mo rin dyan si Vlad para mapamilyaran siya.'

Nagulat ako sa sinabi ni papa. Bakit alam niyang kasama ko si vlad?

From: Papa

'also, Vlad told me na sasama siya sa'yo. Hindi ko naman pinagbawalan dahil desisyon niya 'yon. I love you, Darling.'

Nakahinga ako ng maluwag pero hindi maalis sa isipan kong sinabi ni Vlad kay papa na sasama siya. Gusto ko siyang puntahan sa kwarto niya at kutusan ng malakas kaso dinalaw na kaagad ako ng antok.

NAGISING ako at sinilip ang bintana, nakita kong wala ng araw. shit, napasarap ang tulog ko.

Naligo muna ako at nagpalit ng damit bago bumaba. Naabutan ko silang naghahanda na ng pagkain sa lamesa. Nakita ko rin si Ayla, Arine at Len na tumutulong magayos.

"oh, bakit nandito pa ang dalawang 'to?" tanong ko kay Ayla. Tinutukoy ko sina Arine at Len.

"Gustong magsleep over, e. Ayaw moba?" umiling ako. "No. nagtanong lang naman ako."

HEIR SERIES 1: The Billionaire's Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon