CHAPTER NINE

165 5 0
                                    

Chapter Nine

"WE scored Eighty-seven, baby!" Nang ipasa namin ang ginawa namin ay scores lang ang naibalik sa amin dahil ididisplay daw iyon sa science lab. Buti nalang para iwas bitbitin.

"Weak... we got Eighty-nine, Prick." Tinawanan ni Kieffer si Ink na nagmamayabang sa eighty-seven nila. Umiling lang ako, pataasan pala.

"Ang yabang mo! Dalawang puntos lang naman agwat." Biglang sigaw ni Ink. Nagingay ang classroom at nagyayabangan kung ano ang mga scores at kung sino ang mataas.

Kaiden tsked then grinned.

Okay, alam ko na mangyayari dito. Siya naman ang magyayabang. Tinignan ko ang score namin na nakalagay sa papel at hawak ko.

"Anong inuungot mo dyan? Patingin nga ako ng inyo, pag mababa 'yan babatukan kita." Natawa ako kaya napatingin sila sa 'kin na ako ngayon ang may hawak ng papel.

"Let us see your score, Fyne para mabatukan namin si Kaiden." Ani Vlad at inilahad ang mga palad sa harapan ko.

Itinago ko ang papel sa kamay ko at tinignan sila ng may ngiti sa labi. "In one condition,"

"Sige." Sabay sabay nilang sabi hindi man lang pinagisipan. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang ngiti ko. "What's your condition?" Bulong ni Kaiden.

I smirked. "You'll see,"

"Parang nagiba pakiramdam ko, shit." Biglang sabi ni Tint pero wala nang bawian pumayag na sila.

"Since babatukan niyo si Kaiden pag mababa kami, dapat fair samin. Pag mataas score namin ililibre niyo kami ngayong araw. Hmm?" Nginisihan ko sila. Nagtinginan at tumawa kami ni Kaiden ng sumama ang mukha nila.

Natigil lang ng sabay silang apat na tumalikod at nagbubulungan.

"Payag kami. Now let us see." Dahan dahan kong inilabas ang papel sa kamay ko para pa intense. Binuklat ko ang papel para makita nila ang score namin.

They all screamed out of frustration and disappointment. Sinabayan naman ang sigaw nila ng malakas na tawa.

"How can you get the highest point?"

"The fvck? Ninety-eight?!"

Halo halo ang reklamo ng apat.

"Isasama ko ang tatlo tutal manlilibre naman kayo." I laughed.

"Si Fyne ba naman ang gumawa sinong hindi tataas ang points." Ani Ink.

"Syempre kayo." Sabay na sabi namin ni Kaiden na ikinatawa din namin. We're getting pretty close, huh.

"My poor wallet."

"Nagiipon ako ngayon, e."

Malungkot silang nagsiupo ng dumating ang guro.

Ilang minuto ang lumipas at lunch time na. "See you again, Babies." Iyon na naman ang pagddrama ni Kieffer sa wallet niya.

"Buti nga ngayong araw lang pero ang plano ko talaga ay isang linggong panlilibre samin, e." Pagaamin ko.

Sinundo namin sina Ayla sa room nila na katabi lang ng amin. Nang makita ko sila na palabas ay naglakad ako papunta sa kanila pero may nabangga ako and worst natapon pa ang inumin niya.

HEIR SERIES 1: The Billionaire's Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon