RYCA'S POV
Isang linggong dumaan magmula nang mapagkasunduan namin ang usapan na 'yon. Napakasweet sa'kin ni Minlard...masyadong dinibdib ang pagpapanggap.
"No. Don't do that again, Iza. I might fucking punch that boy." Overprotective na sabi niya sabay nguso. What a childish.
Napangiti ako sabay kurot sa pisngi niya.
"That was just a bet."
Napawi ang pagngiti ko ng mapagtantong...nagseselos ba siya? O palabas lang ulit? Must be the latter...
"Still. You hugged that boy!" Inis na sabi niya. Pinagtinginan kami ng medyo malalapit na tao sa table namin. Nasa cafeteria kami at as usual, kasama ko na naman si fake boyfriend...madalang na rin akong makasama kila Celine dahil sa ganitong set-up. Kinwento ko na rin sa kanila at okay lang daw kasi isang buwan lang naman daw.
"It was just a bet...baby. Don't be jealous na ha." Malambing na sabi ko sabay hawak sa kamay niyang nakakuyom. Unti unti yung kumawala sa pagkakakuyom sabay ngumuso. Nakarinig ako nang impit na tilian, gusto ko tuloy'ng takpan ang mukha niya. Mukha siyang baby...shit! Bakit ang cute?
Narinig ko ang mahina niya mura sabay tumalikod ng konti sakin, bago humarap ay narinig ko pa ang pagmura ulit niya.
"Let's go?" Aya niya nang mapatingin sa plate kong wala ng laman. Ngumuso ako sabay tayo, nanlalambing na kumapit sa braso niya.
Nakahiligan ko na atang kumapit sa braso niya kapag magkasama kaming dalawa, may mga tao man na makakakita or wala. Hobby ko na?
"Sa tingin mo, alam na ni Trinlong-"
"Wrinly." Seryoso niyang pagtatama. O-okay. Take two.
"Sa tingin mo, alam na ni Wrinlong---este Wrinly na hindi ka na nambababae at makakauwi na siya?"
Naramdaman ko ang pag angat ng balikat niya, nagkibit balikat.
"I am not sure, but she already told me that she'll come back. I'll just wait for her." Ramdam ko ang tuwa at excitement sa boses niya.
Ramdam ko ang bigat sa paghinga ko. "Nagkausap kayo?"
"Yes. I chatted her, last week? And she replied yesterday. 'Til now, nagchachat pa rin kami."
Napatango ako. Kaya pala text ako nang text kung kumain na ba siya, pero wala man lang reply. Kaninang umaga lang siya nagtext at ang sabi lang 'I'll fetch you.'. Sabi ko naman sa sarili ko, ayos lang. Prentending lang naman ang lahat eh. Parang may kumurot sa puso ko sa naisip.
"Uh. Good to know." Labas sa ilong ko na sabi at kunwaring natuwa sa nalaman.
Nang gabi ring iyon. Napag isipan kong ilang linggo nalang, babalik na si Wrinlong, ade malaya na ako...just so I thought. My body will, but not my heart thou it's fine. Ramdam ko namang talo na talaga ako simula pa lang...
Imbis na tuwa ang maramdaman sa puso ko kabaligtaran ang tinitibok noon, salungat sa tuwa. Hindi ko alam kung ano...o alam ko pero ayaw ko lang aminin? Isang buwan palang ata kaming nagkakausap, matino man o hindi, kaya paanong mangyayari 'yon? Nito lang kami nagkaayos kapag nagkakaharap dahil sa request niya.
Kinaumagahan ay inaasahan kong bubungad si Minlard sa sala dahil ganoon naman ang ginagawa niya dati kahit na hindi ko pa alam ang intensyon niya sakin, pero wala siya. Ang sabi niya sa'kin kagabi ay baka malate siya...pero ineexpect ko pa rin na andito siya. Hay makabuang jud ba.
"Ma, pasok na po ako." Matamlay ko na paalam sabay halik sa pisngi niya. Ngumiwi siya.
"Sumabay ka na kay Vince, anak. Baka 'di ka masundo ni Minlard."
BINABASA MO ANG
Fake Girlfriend Of Minlard (Complete)
Teen FictionRynia isn't a model figure in their school, in fact the trouble can be her second name. Hindi siya iyong babaeng basta-basta na lang aatras sa labanan, she will fight and do what she can. Kaakibat nang paglaban niya ang katarungan para sa kainosenti...