XVIII

194 9 0
                                    

RYCA'S POV

"Ano ba talagang nangyari baks? Lagi ka nalang tulala, ilang araw ka ng ganyan ah? May nangyari ba noong umuwi tayo galing mall? Haynako nakakaloka ka baks. Lagi nalang dedma ang beauty namin sa lutang moment mo! Ilang araw ng paulit ulit ang mga sinasabi ng junganga ko rine! Hindi ka pa rin kikibo?"

"Hayaan mo na muna, baks. Baka nabigla lang sa pagkakakita kay Minlard be." Natatawang saway ni Meila.

"Hindi ko lubos maisip na uuwi siya rito at magpapakita pa sayo, Ry." Celine.

Napailing iling ako bago bumuntong hininga.

"Susugal ba ulit ako?" Wala sa sariling tanong ko at tiningnan sila isa isa. Mga nagtatanong ang tingin sakin.

"Nasa iyo na 'yan, Ry. Pero tanungin mo muna ang sarili mo, na kapag ba sumugal ka...mahal ka pa? Na kapag sumugal ka, okay na? Na kapag sumugal ka, tanggap mo?"

"Celine, susugal at susugal 'yang si Ryca, marupok 'yan eh. Si Minlard na 'yon eh, 'yong lalaking kinabaliwan niya. 'Yong lalaking mahal na mahal niya."

"Hoy magsitigil nga kayong dalawa! Aba e naguguluhan nga ang gaga, kung makajokleng kayo riyan ay parang 'di rin kayo naging marupok at 'di rin kayo nagmahal ah? Aba!" Mataray na pananaway ng bakla bago inirapan ang dalawa.

"Hays! I'm so damn confused! Alam niyo bang hinalikan niya ako noong hinatid niya ko? Omaygad muntik na akong mamatay sa sobrang gitla at kilig---este kaba! I am so damn...confuse mga ate! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Nagbibigay siya ng motibo! Ayoko mang kumagat pero...alam niyo 'yon? Dahil mahal mo, mapapakagat ka nalang sa sarap---este sobrang pagmamahal mo?"

"Malala ka na 'te. Malala na." Umiiling iling na sabi ni bakla bago hinagod hagod ang likod ko.

"Pero 'di nga? Hinalikan ka ulit?! Lecheng Minlard 'yon ah! Silent mover ampota!" Natatawang sabi ni Celine.

Napanguso ako.

"Nagustuhan naman ng gaga kaya tulala pa rin hanggang ngayon. Ilang araw ka ng ganyan 'te?"

"Buwan gaga!" Biro naman ni Meila kay Bakla.

Mas lalong humaba ang nguso ko. "Ano bang dapat kong gawin mga baks?"

Sabay sabay silang napatingin sa'kin na parang sinusuri ako.

"Mahal mo pa 'di ba?" Meila.

"Oo naman...ata? Hindi naman ata agad agad mawawala 'yon lalo na't ilang buwan lang naman ang lumipas."

"Kaso nga lang be...mahirap 'yang ganyan be. 'Di mo sure kung mahal niya pa rin ba ex niya or..." pambibitin ni Celine. "Gagamitin ka lang niya para malimutan ang nararamdaman niya sa babaeng 'yon...you know Minlard, Ryca. He used you before, malamang sa malamang dahil marupok ka kapag niyaya kang maging jowa jowaan ulit niya ay papayag ka. Kasi nga MARUPOK KA! Leche hirap magroon ng kaibigang marupok."

"P-pero sabi niya...hindi na r-raw niya mahal ex niya?"

"At naniwala ka naman? Gaga ka! Ilang months lang ang lumipas uy! 'Wag kang tanga. At anong rason niya bakit 'di na niya mahal? Kasi nabuntis ng iba? Hoy lumang hirit na 'yon. Kakaloka ha! Kung ako sa'yo, lumayo ka na sa lalaking 'yon."

Napatingin ako kay Meila. Tama naman sila...baka nga ganoon nalang...pero paano ako? Mahihirapan ako lalo na't andito lang siya, iisang uri ng hangin ang hinihinga namin.

"Iwas nalang be."

Napabuntong hininga ako. "K-kaya ko ba?"

Sabay sabay silang tumango. "NAMAN!"

"P-paano kung lumapit pa rin siya sakin?"

"Dedmahin 'te!" Celine.

"Layuan 'te!" Meila.

Fake Girlfriend Of Minlard (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon