RYCA'S POV
"Omay!" Napabalikwas ako nang bangon dahil sa nakakaloka kong panaginip, pero dahil sa pagbalikwas ay napasandal ako sa headboard dahil sa biglaang pagsakit ng sobra ng ulo ko, parang binibiyak na halos maiyak ako sa sobrang sakit.
"Omay omay omay!" Tili ko ng mahina dahil sa sobrang sakit talaga ng ulo ko. Napatakip ako ng mukha.
Halos manlumo ako dahil sa nararamdaman pero bumalik ako sa ulirat nang maalala ang panaginip ko. Ohshit! Parang totoo na ewan. Impossibleng bumalik si Minlard dahil sa makakalaya na 'yong tarantadong nagtangkang pumatay sakin!
"Baka may balak kang bumangon diyan? Tanghali na at nakahilata ka pa rin diyan!" Rinig kong sigaw ni mama sa labas. Ngumiwi ako. I wonder kung alam nila kung paano ako nakauwi.
Napatingin ako sa suot ko...mygod! Totoo ba 'to? Bakit nakahoodie ako? Damnit! Seryoso? Bakit nakahoodie ako? At...amoy 'to Minlard ah! G-ganitong ganito ang pabango! Totoo kaya o ilusyon ko lang 'yon? Panaginip? What the fuck?
Dali dali akong bumangon at ininda ang sakit ng ulo. Pinuntahan ko si mama na may inaayos na papeles sa opisina nila papa rito sa bahay.
"Sino po ang naghatid sa'kin? I mean...lasing ako kagabi kaya 'di ko alam kung totoo ang mga iyon o panaginip lang..." napakamot pa ako sa batok ko bago ibiniling biling para mawala ang sakit nun.
"Ay 'di mo alam inday? Ang naghatod nimong buanga ka kay ag katong uyab nimo sa una ba!" Seryosong sabi ni mama na ikinalaki ng mata ko. Dali dali akong lumapit sa kanya at tinapik tapik ang pisngi ni mama. Tinabig niya ang kamay ko kaya napangiwi ako, mali pala. Dapat pisngi ko ang tinapik ko.
"S-si Minlard po?"
Sinamaan ako ng tingin ni mama kaya napangiwi ako. Ano na naman?
"Minatay! Ilan ba naging jowa mo?" Inis na tanong ni mama bago ako tinaasan ng kilay. Ito namang mama ko na 'to, parang 'di ako anak!
"Ah hehe..." napakamot ako sa batok bago nilisan ang office nila ni papa. Wala si papa, ewan ko kung nasaan.
--
MINLARD'S POV
"Chad!" Tawag ko sa kaibigan kong nag aayos ng long sleeves niya. Aattend daw siya ng binyag.
"Yeah?" ngumisi ito nang makitang nakataas ang kilay ko.
"Sino nga ulit 'yong niligawan mo dati?" Nakalimutan ko na kasi kung sino 'yong nililigawan niya. Dati?
I'm just curious because he seems too offended that the girl dumped him.
"Why? Kakabalik mo lang dito sa Pinas, tsismis agad salubong mo sakin?"
I glared at him. "I am just curious! I was drunk when you told me your damn rejection by that woman!"
"Ah! Pinaalala mo pang gago ka!" Inis na sabi niya bago akmang babatuhin ako nang nahawakan na baso nang umilag ako kunwari.
I laughed. "Oh man! I am just asking, masakit?" Pang aasar ko na ikinasama ng tingin niya.
Tumawa ako nang tumawa. Imagine, he's almost perfect but damn man! Someone rejected him! I salute to that woman.
"Si Ryca!"
Natigil ang tawa ko dahil sa pamilyar na pangalan. That's impossible...
"R-ryca?"
He raised his brow. "Bakit kilala mo ba?"
"Full name?" Kunot noo kong tanong.
"Rynia Calliza Camiega, teka nga!" Awat niya sa'kin bago tumindig at tumitig sa'kin. "Are you curious to my answer or..." he went at my side. "Curious to 'her'?"
BINABASA MO ANG
Fake Girlfriend Of Minlard (Complete)
Teen FictionRynia isn't a model figure in their school, in fact the trouble can be her second name. Hindi siya iyong babaeng basta-basta na lang aatras sa labanan, she will fight and do what she can. Kaakibat nang paglaban niya ang katarungan para sa kainosenti...