XII

170 8 0
                                    

RYCA'S POV

Pagkalabas ko ng guest room ay wala na si Minlard. Malamang ay nag eexplain na 'yon sa girlfriend niya!

Okay...bitter ako e ba't ba?

Pagdating ko sa grupo ng mga kaibigan ko ay mga nag aalalang mukha ang bumungad sakin, may mga bahid na pagtataka.

"Tss. Kabanas 'yang lalaki na 'yan!" Bulong ni Heron nang makaupo nako sa tabi niya. Sinulyapan pa si Minlard na katabi na ngayon ni Trinlong, war ata sila? Masama ang tingin sakin ni Trinlong tapos seryoso naman ang tingin sa'kin ni Minlard. Inaano ko ba 'to?

"Okay ka na ba be? Grabe talaga yung ginawa ni Wrinly pati yung pagligtas sa'yo ni Minlard! Hanep sa eksena, pwede nang pangpelikula!" Kinikilig na sabi ni Meila, ngumiwi nalang ako.

"Naunahan pa ako ng walanghiya." Rinig ko ulit na bulong ni Heron kaya napalingon ako sa kanya. Nakanguso ito.

"Buti at nagbihis ka na? Bakit ka nga pala basa kanina babe?" Kinakapa ko pa ang damit nito. Sinisiguradong hindi na basa ang damit na suot. Malamig na kasi madilim na at nasa labas kami.

"Ano sa tingin mo babe? Tumalon ako tapos lumangoy langoy lang doon habang ikaw nasa ilalim ng tubig at hindi umaahon?" He sarcastically said while looking at me with his brow raised.

Ngumuso ako bago nanlalambing na niyakap ang dalawang braso sa braso niya. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Eh bakit hindi mo ako naligtas?" Taka kong tanong, napunta kay Minlard ang paningin ko. Nakataas ang isang kilay nito.

"Naunahan ako eh." Simpleng sagot niya habang nakatitig sa mga kandilang napapalibutan namin. Sobrang daming kandila dahilan para magliwanag ang madilim na garden nila bakla.

May mga wine din na nakalagay sa bawat bahagi ng mga kandila. Mahigit 15 ata kami or more than that kasi may mga lumalangoy pa.

"Start na tayo guys!" Sigaw ni bakla dahilan para magsi ahon ang mga nasa pool at pumwesto na sa mga vacant na espasyo.

-

Unang tumapat sa lalaking nilapitan ni Meila ang bote.

"Ano Jai? Truth or Dare?" Kinikilig na tanong ni Bakla.

"Dare!" Pasigaw na sabi nito bago sinundan ng tawa. Uminom muna ang lalaki dahil 'yon ang mechanics ng laro, kapag nagdare iinom ng wine. Kapag naman nag truth, iinom din. Okay? HAHA Bobo ang gumawa ng mechanics, walang takas ang lahat. Kelangang uminom.

"Lapitan mo kung sino type mo rito sa circle, yakapin mo patalikod." Nakangising dare naman noong babaeng nasa right side niya.

Nakita ko ang pagsulyap ng lalaki banda samin bago tumayo.

"Woah!" Hiyawan nila ng yakapin noong  'Jai' si Meilang halos mamatay na sa kilig.

"Next!"

Ang sumunod naman ay 'di namin kilala, nagtruth. Hanggang sa sunod sunod na, boring eh puro na truth sa mga babaeng natatapatan.

"Ay? Bakit sa'kin?" Reklamo ni Bakla nang tumapat sa kanya ang nguso ng bote. Ininom muna niya ang sinalin na wine sa baso niya bago tumayo at nag abang ng itatanong ni Celine.

Nagtawanan nalang kami dahil sa naging reaksyon niya. Bayot ng taon pa rin.

"Truth or Dare?" Ngising tanong ni Celine na siyang katabing nasa kanan ni Bakla. Nakanguso na ngayon ang bakla.

"Syempre dare ako. Yung usapan ha!" Ngumisi ng makahulugan si Bakla dahilan para mapairap ako.

"Talon ka sa pool tapos 'wag ka ng umahon!"

Fake Girlfriend Of Minlard (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon