RYCA'S POV
"Uy bakla! Bakit andito 'yang dalawa na 'yan? Ininvite mo?" Usisa ni Celine bago tumingin sakin, nang aasar.
"Duh mga bakla! Ininvite ata ni Fiona 'yang si Wrinly, 'di ko alam na prenny pala niya 'yan. Tapos si Papa Minlard, dala rin ata ng mga papable diyan sa may malapit sa pool. Edi jowa goals sila, 'di ba be?" Nang aasar na lumingon sa'kin si Rexie kaya inirapan ko siya ng bongga.
"'Wag niyo ngang inaasar si Babe." Inis na sabi ni Heron bago sinamaan ng tingin ang dalawa na tumawa lang.
"Mamaya nga pala ay napagkasunduan ng lahat na magtutruth or dare kaya be prepared be. Lahat ng maiiwan ay sasali, walang kill joy mga baks."
Napangisi si Meila. "Dare niyo ko mga 'te ha! Yung ikikiss ko ang papable na 'yon!" Sabay turo sa lalaking nilapitan niya kanina.
"Ewan sayo! Apakaharot mo." Kinurot siya ni Bakla sa tagiliran kaya natatawa niyang pinalo ito, malandi talaga. Sinabi ko ba dati na sobrang bait nito? Joke lang 'yon...lumala ata kaharutan nitong grade 12 kami.
"Di pa ba kayo okay ni Minlard, Insan?" Seryoso kong tanong kay Vince na tahimik sa tabi ni Celine.
Umiling ito. "Wala akong tropa na manggagamit."
"Si Zander nga pala?" Potangina. Nakalimutan ko na si Zander. It's been 2 weeks or 3 weeks or 1 month when the last time I saw him in school, wala na akong balita sa kanya dahil sa kakaiwas niya sakin.
Tinaasan ako ng kilay ni Vince. "You don't know where he is?"
Nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka. "Hindi. Kaya nga tinatanong kita 'di ba? Bobo ka?" Umirap ako.
"Gago," Tumatawang sabi. Umirap lang ako. "Umalis na ng bansa, bobo ka. Nasa Europe na siya. Doon na raw siya mag aaral." He then shrugged and smiled a bit.
Nagulat ako sa nalaman. What the hell? Bakit hindi man lang niya ako kinausap tungkol sa aminan namin? Ganoon ganoon nalang? Paano ako? Ay shet! I just like him lang naman 'di ba? May konting sakit pero...parang okay lang sa'kin?
Pero...gusto ko rin si Minlard? Two timer na ba ko noon? Parehas ko silang gusto...but? Feeling ko mas lamang ang pagkagusto ko kay Minlard...'di ko alam! Tangna.
Naramdaman ko ang titig sa'kin ng tatlo. Alam nila ang naging aminan namin ni Zander at kita ko ang lungkot sa mata nila. Napangiti ako ng pilit to assure them that I'm okay.
"K-kelan pa?" Medyo naging mahina ang tanong ko dahilan para napatingin sa'kin si Vince ng seryoso.
"Simula noong naging 'kayo' ni Minlard..." emphasizing the kayo.
"Uh." Napaiwas ako ng tingin sa kanya. I know may alam siya tungkol sa nangyari samin ni Zander. Halata namang nakapag usap sila ni Zander.
"HAY ANO BA 'YAN? MAGDIDILIM NA KELANGAN NA NATING MAGSET NG CIRCLE PARA SA LARO. KUHA LANG AKONG WINES! 'WAG NA SAD SIS. ANDIYAN NAMAN SI BABE MO!" Humagalpak pa siya ng tawa, nilakasan niya ang boses dahil nilakasan ng sounds operator ang tugtog. Umpisahan na raw.
Umingos lang ako bago tumango. Leche!
"Ah!" Tili ng kung sino nang makarinig kami ng pagbagsak sa pool. Shit! Sino 'yon? Sobrang lakas nang tili na natabunan nito ang ingay ng tugtog.
"Hoy ano 'yan?" Sigaw ni Meila habang naglalakad palapit sa pool. At dahil tsismosa kami, pumunta na rin kami.
Agad nanlaki ang mata namin ng makita si Trinlong na nahihirapang lumangoy, hindi siya marunong lumangoy?! Bakit pa siya tumalon at naka-two piece pa?
Napatingin ako sa paligid nang makitang walang may balak tumulong, mga nagtatawanan at nagtutulakan kung tutulungan ba o hindi. Napako kay Minlard ang paningin ko na walang pakialam sa girlfriend niya. Nakatingin lang siya sa'kin ng madilim ang mukha. Inaano ko 'to? Wala siyang balak tulungan ang girlfriend niya?
BINABASA MO ANG
Fake Girlfriend Of Minlard (Complete)
Fiksi RemajaRynia isn't a model figure in their school, in fact the trouble can be her second name. Hindi siya iyong babaeng basta-basta na lang aatras sa labanan, she will fight and do what she can. Kaakibat nang paglaban niya ang katarungan para sa kainosenti...