"Hey mom can you buy me another phone?" I asked.
"Sige anak, sa susunod na. Pagiipunan ko nalang muna" she answered.
"Ma, gusto ko na ng bagong damit"
"Marami ka pa naman dyan ah? pero sige anak pagiipunan ko"
"Ma, yung sapatos ko nasira na, pwede nyo na po ba kong bilhan ng bago?"
"Sige anak, bibilihan kita ng bago pag nakaipon na ko"
"Ma, ang tagal na ng mga pinabibili ko sayo, kelan mo ba ko bibilihan?" I asked
"Pasensya ka na anak ah, hayaan mo babawi si Mama sa susunod" she replied
"Hangang kelan ba Ma? baka pinapa-asa mo lang ako sa wala"
"Hindi namn sa gano'n anak"
"Liar" I said then run to my bedroom.
Bihira nalang kami magkita ni Mama sa bahay, dahil lagi na siyang nasa trabaho. Minsan pumapasok siya ng 6 ng umaga at nakakauwi ng 11 ng gabi.
Isang araw, nagkasakit si Mama. Dala raw yon ng kapaguran. Ilang beses kaming nagpabalik balik para ron, kaya medyo nauubos na rin ang ipon niya. Single parent kasi si Mama kaya ayon.
Isang araw, sinabi ng doctor na malala na raw ang lagay ni Mama, meron pala siyang Cancer at lumala raw yon dahil sa pagod. Nasabi niya rin na may taning na ang buhay ni Mama, after that nagsisi ako.
Pumunta ako sa simbahan upang humingi ng tawad. Kung bakit ba kasi ang sama sama kong anak. Alam ko naman na mahirap lang kami pero ninais kong maibigay agad ni Mama ang pansarili kong mga kagustuhan. Ipinagdasal ko na sana mapatawad ako ni Mama sa mga nasabi ko sa kanya.
Pagbalik ko sa ospital, nakita kong may mga nagtatakbuhan na doktor patungo sa kwarto ni Mama. Kinabahan ako, kaya ka-agad rin na nagtungo ron.
'Lord hindi pa naman diba? hindi pa nga ko nakakabawi kay Mama e. Hindi mo pa naman siya kukuhanin diba?' sabi ko sa isip ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko habang papasok sa pinto.
Tears continue flowing down to my cheeks, as I heard the machines sound 'tiiiinnggg tiiiinnnggg'. And after that she died.
"Who's the daughter of the patient? she want to give this letter to her." the doctor said
"I'm the daughter po" sabay kuha ko sa letter then I read it.
Dear Aya,
Alam kong nababasa mo ito ngayon. At alam ko rin na wala na ko kapag nabasa mo na ito, bilin ko kasi yon sa kanila. Pasensiya ka na kung hindi ko agad nabili ang mga pinabibili mo ah? sumama tuloy ang loob mo. Oo nga pala, yung mga pinabibili mo naroon sa may Cabinet sa loob ng kwarto ko. Pasensiya kana ah, hindi ko nabalutan e. Balak ko sana na ibigay yon sa iyo bilang regalo sa 16th birthday mo anak. Alam ko kasi na magtatampo ka kapag di ko naibili sayo yon e.
Anak gusto ko lang na malaman mo na proud na proud si Mama sayo, sa lahat ng achievements mo anak. Ipagpatuloy mo sana yan kahit wala na ko. Palagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni Mama at lagi kitang gagabayan. I love you anak.
Nagmamahal,
MamaMatapos kong basahin ang liham ni Mama, hindi ko na npigilan ang pagtulo ng luha saking mga mata. Kahit pala may sakit siya, ako pa rin ang nasa isip niya. Napaka selfish kong anak.
'Ma, kung nasaan ka man ngayon sana okay ka lang. Salamat sa pagmamahal mo Ma, hinding kita kita makakalimutan. Ma, sana mapatawad mo na ako, kasi nagsisisi na ko sa mga pinaggagawa at pinagsasabi ko sayo, Ma. Promise, babawi ako Ma at susuklian ang mga paghihirap mo kahit wala ka na. Mahal na mahal kita Mama.'
Sabi ko sa isip ko habang yakap yakap ang liham. Sayang hindi ko man lang masabi sa kanya na mahala ko siya noong andito pa siya sa tabi ko. Kinuha ko ang litrato ni Mama sa table at niyakap ito. Umiyak lang ako ng umiyak habang yakap iyon.
*****
Note: Don't forget to vote guys. Thanks for reading♡
_aestheticfeels_
BINABASA MO ANG
Special Creations (COMPLETED)
Short StoryA compilation of my own, one-shot tagalog short stories with their corresponding titles. Enjoy reading!💙 Follow my other account @sasssybabes_