Sobrang babaw ng tulog ko dahil naririnig ko ang sunod-sunod na notification sa cell phone ko. Ang dami. Nang sumilip ako sa orasan na nakasabit sa dingding ko, alas tres pa lang ng umaga.
Itong sina Lovely at Rihanna, gising pa?! isip-isip ko. Sila lang naman ang kayang magpadala ng sunod-sunod na message. Pero alas tres ng umaga talaga?
Ugh.
In-off ko ang phone ko at sinubukang matulog ulit. Automatic naman ang katawan kong gumigising ng alas siyete, perfect para sa pasok kong alas nuwebe. Pero siyempre, may back-up akong Tweety Bird alarm.
Bumangon na ako ng 7:15 a.m. at dumiretso na sa banyo para maligo. Nang pumunta na ako sa kuwarto, katok nang katok si Francis.
"Ate, pa-picture!" sigaw niya.
Anong pinagsasasabi nitong mokong na 'to? "Para sa Tiktok ba 'yan?! O YouTube channel mo? Kasi kung oo, tigil-tigilan mo ako."
"Siyempre kailangang may picture sa sikat na ate!"
Ha? "Bahala ka nga diyan."
Nagbihis na ako ng clinic uniform ko at nag-powder sa mukha bago lumabas ng kuwarto. Pinilit pa rin ni Francis na magpa-picture sa hindi ko alam na dahilan.
"Ano bang pinagsasasabi mong—"
"Anak, alis na kami ng papa mo. Nakasara 'yong ulam diyan na hotdog. Kumain ka na muna bago umalis," sabi ni Mama, nakabihis na papuntang office nila. Pare-parehas kasi kaming alas nuwebe ang pasok, pero mas malayo ang pinapasukan nila kaysa sa 'min.
Nagmamadaling bumaba si Papa. "O, gusto bang sumakay ng celebrity kong anak?"
Wait lang, ano raw? "Ano, Pa? Kanina pa kayo ni Francis. Ano bang pinagsasasabi ninyo?"
"Ay, di mo alam, 'Te?" tanong ni Francis. Umupo na siya sa may dining table at inumpisahang kumain. "May mga lumabas na video mo kahapon. Dalawa nga, e. 'Yong tinulak mo si Champ tapos biglang may pa-rose sa 'yo."
"Parang tangaaaaa! Seryoso ba 'yan?!"
Hinalikan na kami nina Mama at Papa sa noo. "Ingat, 'nak. Pakilala mo sa 'min si Champ," sabi ni Papa. "Pogi, pogi! Aprub."
"Pa!"
"Approve din sa 'kin," biro ni Mama habang papalabas ng pinto.
"Ma?! Betrayal of the century?!" Minsan hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko na nagfi-feeling millennial 'tong mga magulang ko, e.
"Ono no bo koyo ni Shomp?" tanong ni Francis habang ngumunguya. Naiintindihan ko naman ang tanong niya: Ano na ba kayo ni Champ?
"Maka-Champ. Kuya-hin mo, uy."
"Ay, o' nga pala. Dapat gumalang sa future brother-in-law."
Binatukan ko siya. "Tumigil ka nga. Patingin ng video na sinasabi mo."
Dahil kung galing 'to kina DSLR at iPhone guy, mukhang may mapuputulan ng ari ngayong gabi. Sila na ang pinagbintangan ko kahit hindi ko pa nakikita ang video. "Puwede bang tuliin ang lalaki nang dalawang beses?" tanong ko kay Francis habang hinahanap niya 'yong video.
"Hoy, ate, may nangyari na ba sa inyo ni Champ?"
"Utak mo!"
"E, bakit mo tinatanong? Hindi ba siya—"
BINABASA MO ANG
Buzzer Beater
RomanceMan hater, mambabasag ng itlog, at hustler-ito ang reputasyon ni Hope San Miguel. Wala naman siyang pakialam, sa totoo lang. Ang mga mata niya ay naka-set sa iisang goal: ang may mailapag sa kanilang hapagkainan. Kaya naman nang malaman niyang minam...