Magka-chat pa rin kami ni Champ, at dahil kaka-reactivate ko lang ng Facebook account, inii-spam na rin niya ang notifications ko. Lahat ba naman ng profile picture ko simula 2010 ay i-like. Tipong kahit 'yong mga jejemon selfies ko at 'yong mga profile picture na umulit lang, may like niya.
At ang nakakainis, nahuhuli kong napapangiti ako kada may notification ako galing sa kanya. Oo, naiinis ako na natutuwa dahil sa bagong pakiramdam na 'to. All my life, galit—o siguro takot—ako sa halos lahat ng lalaki na nakakasalamuha ko. Tipong napapaisip ako kung pare-pareha lang ba sila ng utak.
Pero si Champ . . . iba. Napahiling nga ako bigla na sana lahat ng lalaki ay tulad niya—naghihintay ng tamang oras, nanghihingi muna ng permiso.
Kaya nga dahil do'n . . . parang nagugustuhan siya. Unti-unti.
Parang lang naman.
***
Biyernes, isang araw bago ang huling laro nila, nagising ako sa balitang walang operation ang clinic sa utos ni doc. Sakto din namang wala akong home care, kaya buong araw akong tengga. Ayun nga lang, hindi ako sanay na walang ginagawa.
Napatingin ako sa chat namin ni Champ at nag-backread.
"Ang sweet, what the fork," sabi ko sa sarili ko. Tapos 'yong mga reply ko puro "agik," "weird," "luh," "mama mo," "k," "sinapian ka ba," "parang tanga," "haha," "nani the fox," "wag ako," and all forms of cold replies, with matching kutsilyo emoji.
"Fine," bulong ko. "Initan natin nang kaunti."
Hope: Good morning.
Champ: ?
Champ: Hope?
Champ: Is this you?
Hope: Luh, sino pa ba?
Champ: Really?
Hope: Nani???
Champ: Oh. So it's you.
Champ: Nagulat lang ako kasi nag good morning ka.
Hope: Ay sorry
Hope: Oo nga ano. Ikaw pala laging nagugood morning
Hope: Sige bawiin ko na
Hope: .gninrom dooG
Champ: Hahaha that's a good one
Hope: Grabe no? Kapag crush mo talaga yung tao tatawa ka kahit di naman funny hahaha
Champ: Hahaha grabe ka naman. Natawa naman talaga ako.
Champ: Eat your breakfast. May class ako ng 7 am. Gotta go.
Champ: Chat later. Alam mo namang talo mo pa Gatorade at Red Bull sa pagboost ng energy ko. Hehe.
Hope: HALA SIYA ang aga-aga para sa kakornihan!!! 😂 🔪
Hope: Go, aral mabuti. :)
Hope: Eat your breakfast too. :)
Hope: I think type ko mga masisipag mag-aral. :P
Champ: :O
Hope: Ano yang :O na yan
Champ: You just told me to eat my breakfast.
Champ: Damn, I must have done something good yesterday.
Champ: Nasa dean's list ako last sem. Try ko bumawi.
Hope: HAHAHA
Hope: Joke lang. The heart knows what it wants.
![](https://img.wattpad.com/cover/227286406-288-k788316.jpg)
BINABASA MO ANG
Buzzer Beater
RomansMan hater, mambabasag ng itlog, at hustler-ito ang reputasyon ni Hope San Miguel. Wala naman siyang pakialam, sa totoo lang. Ang mga mata niya ay naka-set sa iisang goal: ang may mailapag sa kanilang hapagkainan. Kaya naman nang malaman niyang minam...