Hindi nakakalimot si Champ mag-"good morning," "kain ka na ng lunch," at "good night and sweet dreams" sa 'kin. Minsan nga, sa sobrang pagod ko, nakakalimutan ko na rin mag-reply, at pagbangon ko, iniisip kong titigil na siya.
Pero ayun, babangon ako araw-araw na may pa-good morning siya. In fairness, consistent hanggang Biyernes. Pero malay ko ba kung hanggang ngayon lang 'yan.
At dahil may raket ako kinabukasan, pumunta ako sa gym para magpalakas. Gawain ko rin 'to pampawala ng kaba. Mamimeet ko bukas ang girls' basketball team nila, at natural, kabado ako dahil baka mamaya, hindi ko magampanan ang expectations nila sa 'kin. Kahit ba isang araw lang 'yon, kailangan masigurado kong mare-recommend ako.
Nagte-treadmill ako nang biglang tumunog ang cell phone ko. Tumigil ako sa pagtakbo dahil baka mamaya, si Coach Calia 'yon, coach ng girls' basketball team, at nagre-remind na agahan ko bukas. 'Yong una kasi niyang text ang nagsasabi na unang game sila at saka sila pupunta sa susunod na venue para suportahan ang men's basketball team.
Pero pagtingin ko, si Champ pala sa Messenger.
Champ: Gusto ba pumunta nina Lovely?
Champ: Sorry, what's the name of your other friend?"
Champ: We can get them tickets. As thanks for letting me find you. :)
Hope: Rihanna
Hope: Wait tanong ko
"Siguradong matutuwa ang dalawang gaga," sabi ko sa sarili ko habang pinupunasan ang pawis ko. Nag-send ako ng screenshot ng pag-uusap namin.
Lovely: I'm so touched na naalala niya ako?!!?!!
Lovely: Wala ka na hope. Ako na leading girl dito. HAHAHAHA
Rihanna: tungunuh other friend lang ako..........
Rihanna: this is sparta!
Rihanna: grabe pwede naman niyang sabihin "sorry what's the name of your other beautiful, sexy friend"
Rihanna: also GIRL TINATANONG MO PA BA KAMI
Lovely: sa tru
Lovely: Para ka namang di friend
Lovely: Like hello??????? Buti nga di pa kami kumukuha ng scalpel
Lovely: *scalper parang shungshung nag auto correct hahahah
Rihanna: ano yung scalper yung taga tingin ng anit haha
Lovely: hindi, girl ano ka ba. Yung tagagawa ng scalptures
Hope: HOY ANO SAGOT HAHAHA puro kayo kalokohan
Hope: Pag ito hindi nakakuha ng tickets para sa inyo
Rihanna: iniisip ko lang bakit niya kami gusto isama
Rihanna: pero duh sabihin mo YES JA BES
Lovely: Di pa ba obvious? Natural gagamitin niya tayo para kunwari dinner together pero ang totoo gusto lang niya makasama si hope
Rihanna: I feel so used pero game papagamit ako
Hope: Wow daling magbago isip
Lovely: Pwede ring concerned siya sa tin at may ipapakilala siya hihihihihi
BINABASA MO ANG
Buzzer Beater
RomanceMan hater, mambabasag ng itlog, at hustler-ito ang reputasyon ni Hope San Miguel. Wala naman siyang pakialam, sa totoo lang. Ang mga mata niya ay naka-set sa iisang goal: ang may mailapag sa kanilang hapagkainan. Kaya naman nang malaman niyang minam...