Prologue

30 3 5
                                    

"Che-an,wait!"




Hinatak ni Cael 'yung braso ko pero agad ko ring binawi sa kaniya at naglakad ako papalayo. Ang kapal ng mukha niyang hawakan ako.





Sobrang gulo na ng utak ko at sobrang sikip ng dibdib ko. Hindi ko na pinakinggan 'yung mga salitang sinasabi niya habang tinatalikuran ko siya.




Matapos ko marinig lahat-lahat mismo sa Music Hall parang nawalan na 'ko ng gana pang kumanta.





Pagkalabas ko ng pintuan..umasa ako,
Umasa ako na hahabulin niya 'ko para magpaliwanag. Umasa ako na mas pipigilan niya 'ko. Ang sakit-sakit, kingina!



Naglakad lang ako kahit saan. Hinayaan ko ang sarili kong paa na dalhin ako kung saan. Hindi ako makaiyak. Hindi ko malabas 'yung sakit na nararamdaman ko pagkatapos kong marinig lahat.



"Piste,iniyakan pa 'ko ng langit."singhal ko sa kawalan.



Biglang buhos ang ulan kaya wala 'kong choice kundi magpakabasa. Naiwan ko 'yung bag ko sa Music Hall. wala 'kong payong.



malas man,atleast kahit papaano hindi halata kapag umiyak ako. Idadaan ko nalang sa iyak dahil masyado akong namanhid ngayong gabi.



"Uy,bobo amputa..magpapakamatay ka ba?!"


Agad akong napalingon sa lalaking nasa tabi ko na pala. Nakat-shirt na white at gray na jogging pants. May bitbit siyang payong at agad 'yung itinapat sa'kin. Wala na rin namang epekto dahil basa na 'ko.





Bakit ba laging biglaang sumusulpot si Kristan sa tuwing may hindi magandang nangyari sa buhay ko?!





"Kristan,kung nandyan ka para insultuhin ako,wag ngayon." seryosong sabi ko sa kanya at naglakad ako papalayo sa payong niya.





Bakit kasi kailangan niya pa 'ko makita dito ngayon?kingina mo,tadhana.





hinabol niya ko para payungan. Hindi ko alam kung nangpipikon lang ang isang 'to o ano.




"saan masakit?sabihin mo sa'kin. Gagamutin ko."sabi pa ni Kristan.





Ayos ah,kala mo doktor..




napakunot 'yung noo ko sa tanong niya. Mukha bang may masakit sa'kin? maayos naman ang pangangatawan ko.





"ewan ko sa'yo,layuan mo 'ko. Wala nang gamot dito kaya pwede ba?"pantataboy ko.





Imbis na layuan ako ay hinila niya 'ko papalapit sa bisig niya. Hindi ko na kinakaya,gusto ko ng umuwi.




Bumitaw ako at tumakbo sa may tawiran para hindi na niya 'ko mahabol.





"Che-an! Ano ba!"




Nabigla nalang ako sa nangyari at hindi ko namalayang tumilapon siya sa kalsada. Mas lalo akong napahagulgol.





Muntik na akong masagasaan ng sasakyan pero tinulak niya 'ko papalayo sa tawiran kaya siya 'yung nahagip.




Nanlaki pa 'yung mata ko nang bumaba 'yung driver ng sasakyan. Hindi ko inaasahan kung sinong bubungad sa'kin.




"hey!get in the car..come on!"sabi nito sa'kin.




nakatulala lang ako habang pinagmamasdan 'yung ulan sa bintana ng sasakyan. Wala pa rin siyang malay.




"Is my Brother okay?fuck,kapag may nangyaring masama sa kaniya I will blame myself to death!"Singhal nung driver na nakasagasa.





Kapatid niya...





"Wala pa ring malay..ano ba kasing ginagawa mo?!bakit ang tulin mo magmaneho kanina?!"





"I'm a little bit drunk..Look,sorry"





"Hayop ka ba?!paano kapag natuluyan 'tong kapatid mo?makakayanan mo ba lahat ng sisi nila sa'yo?!"singhal ko habang inaakbayan pa rin 'yung kapatid niyang walang malay.




"Sorry...I didn't mean to do that. Even though I'm fuckin' Jealous of that man...alam mong hindi ko magagawang saktan yan kahit gago 'yan."





"eh ano ba kasing pinuputok ng buchi mo?! Anong jealous jealous? Why don't you accept na mas better siya sa'yo in other ways?"




"Mas better naman talaga siya kasi siya 'yung minahal mo..Che-an,every night I've been praying na sana mapansin mo 'ko."




nagkatinginan kami sa rear mirror at agad akong napaiwas ng tingin. Naiilang na 'ko. Hindi ko alam kung ano pa bang dapat kong maramdaman bukod sa lungkot.





"Hindi ko inasahan na sa ganitong sitwasyon mo 'ko mapapansin. It hurts a little but I'm hella fine. Nandyan ka na e,pucha."sabi niya pa na halatang lasing na nga siya.





"is that my business kung hindi ko nagawang mapansin ka?"






"Why don't you give it a try?"






"What do you mean?"






"MALAY MO,TAYO.."



















Malay Mo,TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon