(02)incident

15 1 0
                                    

"Uyy"




napalingon ako sa gilid ko. May nakaupo na pala na batang pulubi sa tabi ko. Natakot ako na baka hablutin 'yung cellphone ko.





nagpower off 'yung cellphone ko at itinago ko sa may purse. Delikado na kung mawalan pa 'ko dahil wala pa 'kong pambili.





"Ate..I'm hungry,please may food ka po?"sabi sa'kin nu'ng batang lalaking pulubi na sa tantya ko ay 6 years old.





Punit-punit 'yung royal blue nitong t-shirt at nakapants ito na mukhang nadumihan sa putikan. Maputi ang balat niya pero hindi masyadong halata dahil sa gusgusin niyang katawan.





Sa tinagal-tagal ko na paghihintay dito sa park,ngayon lang ako nakaencounter ng pulubing maputi at nag-eenglish.




Iniabot ko sa bata 'yung fries na nakalagay sa purse ko. Kawawa naman kasi nagugutom na. Para rin lubayan na 'ko. "Sige na,sige na shuuu!"





"Thank you,po..ikaw lang nagbigay sa'kin ng food ngayong araw."sabi ng bata sa'kin bago tuluyang umalis at lumipat sa kabilang bench.






Mukhang kinokonsensya pa 'ko ng batang 'to ah. Nakakaawa rin kasi hays. Kahit ako kapag naging pulubi magpapaawa rin ako para sa pagkain.





kumuha ako ng hand sanitizer sa purse ko at ibinuhos 'yun sa kamay ko. Baka may kung anong germs ang dumapo sa'kin.





"may kasama ka ba?sama ka sa'kin papakainin kita."





Agad akong napalingon sa lalaking nakablack na cap at may kalakihan ang katawan. Nakaface mask rin ito kaya hindi ko makita 'yung mukha. Kausap niya ngayon 'yung batang lalaki sa may bench.





Tinatanaw ko lang 'yung bata. Mukhang takot siya do'n sa lalaking kumakausap sa kanya.






"wag nang makulet,tara na..isasama na kita."sabi pa nung lalaki.





"No!ayoko sa'yo!bad guy ka!"





napagdesisyunan kong pumagitan sa kanila. Baka mamaya ano pang gawin niya sa bata.





"Anong nangyayari dito,kuya?bakit mo pinipilit yung bata sumama sa'yo?"tanong ko.




"wala,usapang mag-ama lang miss."sabi nito sa'kin at hinila nang marahas 'yung bata. "Halika na dito,uuwi na tayo!"





"Bitawan mo na 'yung bata. Hayaan mo siyang pumili ng sasamahan niya"
Sabi ko sa lalaki. Nakita ko kung paano kumuyom 'yung kamao niya.




"kanino mo gusto sumama?"tanong ko sa batang pulubi. Napangisi ako ng ako ang ituro niya at nilapitan.





nagulat ako nang maglabas ng kutsilyo 'yung lalaki at itinutok 'yun sa'kin. Hanep,malas naman.





"Ibibigay mo ang bata o sasaksakin kita?"




Ayoko pa mamatay pero ayoko rin pabayaan 'tong bata. Baka may masamang plano siya sa bata.




bakit kasi walang taong nadaan dito sa park?!nakakainis,8 pm palang naman bakit walang katao-tao?





"A-Ate,I'm afraid.."sabi sa'kin nu'ng batang pulubi.




"saktan mo na 'ko wag lang 'yung bata!kingina mo ah!"singhal ko.




mukhang tototohanin ng lalaki 'yung banta niya dahil nakaamba na siyang sasaksakin ako. Napapikit ako at itinago ang batang pulubi sa likuran ko.



Malay Mo,TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon