(06)Lawrence

7 1 0
                                    

"Announcement lang sainyo...hindi makakasama sa'kin ngayon magperform si Rafa dahil may nangyari na hindi namin inaasahan..pasensya na kung siya man ang pakay niyo ngayong gabi pero hindi siya makakapunta sa ngayon."sabi ko sa mga audience sa Chel's Music Hall habang nakatayo sa may stage.




nakita ko kung paano unti-unting mawala 'yung maraming taong dumalo. Pinigilan kong 'wag malungkot pero hindi ko kaya.




"Che-an?yung nanampal ng isang sikat na model?lakas naman ng loob magperform niyan..tsk,tara na nga."komento nu'ng isa bago tuluyang lumabas ng music hall.




May iilan pang babae ang binato ako ng papel sa may stage. Swerte nalang kapag hindi ako tinamaan.




napaluhod ako. Nanginginig ang balikat ko habang nakayuko ang ulo. Siguro kung tatantyahin,nasa sampu nalang ang taong naririto ngayon.




Rafa,ganito ba kahirap magperform kapag wala ka?




"Go beh!kaya mo 'yan!nandito pa 'ko oh saka may iilan pang taong naniniwala sa'yo..proud ako sa'yo!"sigaw ni Quinny na mukhang kakarating lang.




Ngumiti ako at tumayo mula sa pagkakaluhod ko. Marami man o onti ang tao,magpeperform ako. Hangga't may isa,dalawa o tatlong naniniwala,magpeperform ako.





"S-Sorry sa pagiging emosyonal ngayong gabi.."sabi ko sa mga audience.





Sinimulan ko nang kumanta. Naisipan kong kantahin 'yung sorry na by Parokya ni Edgar.




pakiramdam ko ang dami kong kasalanan sa mundo. Kahit ang totoo,wala naman akong ginustong gawin sa mga 'yon.




Dinamdam ko masyado 'yung kanta at hindi ko namalayang napapaluha na 'ko. Ano ba 'yan,napakaiyakin ko talaga. Daig ko pa ang broken hearted na teenager.




Siguro iisipin ko nalang na hindi ko dapat iyakan 'yung kaganapan ngayon gabi. Iisipin ko nalang na magkikita pa kami ni Kristan mamayang 8 pm kaya hindi dapat mamugto 'yung mata ko.




Sakit pala lokohin sarili...






Pagkatapos ng kanta,nagsipalakpakan 'yung mga taong natira para makinig sa performance ko.




hindi na 'ko pumunta ng backstage. Dumiretso na 'ko sa crowd at nilapitan si Quinny para yakapin. Doon ko naiyak lahat.




"Shh,tama na beh..hindi mo naman deserve 'yung nangyari. Makakarma rin sila sa pagtrato nila sa'yo ng gano'n. It's their loss rin dahil di nila napakinggan 'yung angelic voice mo."




sobrang swerte ko dahil nagkaroon ako ng mga kaibigan na tulad nila Quinny,Chelsey at Rafa. Hindi ko alam gagawin ko kapag wala sila.




"Q-Quin,anong m-masasabi mo s-sa performance ko?"nahikbi kong tanong.




"So ayun beh,Hi performance!ang masasabi ko lang ay stay safe at God Bless!"




Agad ko naman siyang binatukan. "Aray,para sa'n 'yun?"tanong niya




"Ang pilosopo mo!"natatawang sabi ko sabay punas ng luha ko.







"Pinapatawa lang kita,beh wag kang ano hahahaha."





6:45 pm palang kaya niyaya ko si Quinny mag-order sa food chain para may makain kami pati na rin si Rafa. Gusto ko lang siya bisitahin lalo na't bukas pa siya makakalabas ng ospital.





Malay Mo,TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon