(01)Gig and Waiting

21 2 2
                                    

Disclaimer
This is a work of fiction. Names,characters,businesses,places,events,locales, and incidents are either the products of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons,living or dead,or actual events is purely coincidental.

__________________







"Uy,okay ka lang?bakit parang kabado ka?pang-ilang gig na natin 'to ah."natatawang sabi sa'kin ni Rafa.





Nandito kami ngayon sa Chel's Music Hall. Pagmamay-ari ito ng bestfriend naming si Chelsey.





"eh,kasi baka hindi magustuhan ni Cael 'yung performance natin ngayon."






Napakagat labi nalang ako nang marinig 'yung hiyawan ng mga tao sa labas. Mukhang nandito na si Cael.




Isa kasing sikat na model si Cael at kapatid niya si Chelsey. Kung hindi lang ako magpeperform ngayon baka nakigulo na 'ko sa crowd para magpapicture sa kaniya.




"ano naman kung hindi magustuhan ni Cael?ang dami-dami nating audience tapos nakafocus ka sa isa..ikaw ha!halata na,Che-an umamin ka na."





pinandilatan ko siya ng mata. Kung ano-ano nanaman sinasabi nitong si Rafa. Halatang maissue talaga,kainis.




"Oh,bakit ka ganiyan?kasi totoo 'no?may gusto ka kay—"




Agad kong tinakpan 'yung bibig niya. Ayoko talagang naiissue ako sa ibang lalaki kahit pa idol ko 'yun si Cael. Ano nalang iisipin ni Kristan kapag nagkita na kami?




Si Kristan 'yung childhood friend ko. Kahit walang assurance between us,hinihintay ko pa rin siya kasi I believe in God's perfect timing.





Ilang years na ang nakalipas pero hindi pa rin ako makamove on do'n sa kan'ya. Parang parami nang parami 'yung araw na lumilipas ay mas nagaganahan akong maghintay.





"Hindi ka naman kasi madaling maconcious pagdating sa performance pero ngayon..may iba,eh. Ayos lang naman na aminin mo,Che-an single naman kayo pareho!HAHA!"





hindi na 'ko umimik hanggang sa magsimula ang performance namin. Nakakainis siya eh. Ihampas ko sa kaniya 'tong mic eh.





Heaven by Bryan Adams ang kinanta namin ngayon. Grabe impact ng kantang 'to sa'kin.





"Oh,thinking about all our younger years..There was only you and me,we were young and wild and free."panimula ko sa kanta.






sumagi nanaman sa isip ko si Kristan. Kumusta na kaya ang lalaking 'yun ngayon?nihindi ko nga tiyak kung buhay pa ba s'ya dahil rin sa mga trahedyang nangyari sa buhay niya 5 years ago.




"Now nothin' can take you away from me we've been down that road before
But that's over now you keep me comin' back for more"dugtong naman ni Rafa.





Sabay naming kinanta 'yung chorus at napapikit pa 'ko ng bahagya habang dinadamdam 'yung lyrics. Pagmulat ng mata ko,nasa harapan na si Cael habang pinapakinggan kami ni Rafa.





"Oh once in your life you find someone who will turn your world around bring you up when you're feelin' down"Pagkanta ko ulit.




hindi ko alam pero si Kristan talaga 'yung inaalala ko. Sobrang hirap isipin na hindi ko pa siya nakakasama pero 'yun yung sumasagi sa utak ko.





napaluha ako bigla nu'ng magchorus na. Hindi ko mapigilan.



----




"Good job,ladies..."puri sa'min ni Cael sa may backstage. Grabe,nag-effort talaga siyang puntahan kami dito.






"Lalo ka na,Che-an..I like the emotions you give to those audiences."






nagulat ako sa sinabi ni Cael. Hindi ko alam na kilala niya pala 'ko. Masyado kasi siyang sikat para makakilala ng isang singer lang na tulad ko.




"Salamat,Sir Cael."Sabi ko.





"No,wag mo na 'kong tawaging Sir..Cael nalang.By the way,Rafa is her name right?"





pinangunahan naman ako nitong si Rafa na sumagot at nakipagshake hands pa. Siya yata may gusto dito kay Cael eh.




"beket me teneteneng?"pabebeng tanong pa ni Rafa kay Cael habang pinupulupot 'yung hibla ng buhok niya sa daliri niya.





"you're beautiful..crush ka daw nu'ng tropa ko sabi niya."





Napatingin sa'kin si Rafa at agad ko siyang binigyan ng makahulugang ngiti. Sa sobrang ganda ba naman ni Rafa,imposibleng walang mabighani sa kaniya dito sa Music Hall ngayong gabi.




Lagi rin kasing may nahingi ng pangalan o di kaya ng number niya tuwing magpeperform kami. Ang malala pa do'n,sa'kin silang lahat lumalapit.




Hirap talaga magkaroon ng magandang kaibigan. Mas maiistress ka pa.





ang ending,binigay ni Rafa 'yung number niya kay Cael para ipaabot do'n sa tropa nito na may gusto sa bestfriend ko.




madadagdagan nanaman textmate nitong si Rafa. Sampu kaya katext niyan araw-araw! Bukod do'n,may isang lalaki na araw-araw siyang pinapaloadan ng 100.




Hindi lang 'yun..binilhan pa siya ng cellphone. Sinabi lang ni Rafa na lowbat siya at gamit ko 'yung charger tapos maya-maya may nagdeliver sa condo ng cellphone. Jusko!




"Hoy,tama na pag-iimagine diyan!"singhal ko kay Rafa nang mapansin kong nakatulala. "Bibili lang akong pagkain ko..kapag hindi ako bumalik dito in 10 minutes, mauna ka nang umuwi."




"Luh,may tama ba utak mo,Che-an?sabay tayong uuwi!"




Napatingin ako sa relo ko. 7:45 pm na onting oras nalang. Bukod kasi sa wala pa 'kong kain ay may pupuntahan pa 'ko.




"Sige,hintayin mo 'ko dito after 2 hours kulit ng butas ng pwet mo ah."sabi ko sa kaniya.





Tuluyan na 'kong lumabas ng Chel's Music Hall at dumiretso sa malapit na Food Chain. Nagtake out lang ako ng burger,fries at coke. Nasira nanamn diet ko pero hayaan na.





Tanggap naman ako ni Kristan kahit tumaba ako eh.





Nilagay ko sa purse ko 'yung fries habang buhat ko naman sa kaliwang kamay 'yung burger at coke naman sa kanang kamay.





Umupo ako sa may bench kung saan ako laging naghihintay kay Kristan. Nandito ako ngayon sa may Park.




Huling usap kasi namin ni Kristan na dito magkita mismo sa park noon. 8 daw pero wala siyang nasabing petsa.





inubos ko 'yung burger at coke habang nagtetext sa phone ko. Nakasave pa rin kasi sa'kin 'yung dating number ni Kristan. Alam kong matagal na at pwedeng nag-iba na siya ng number.





wala eh,nagbabakasali pa rin ako na magreply siya. Nakakalungkot lang isipin na walang kasiguraduhan kung dadating siya.




"Uyy."



















Malay Mo,TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon