6 pm palang at nasa gig ngayon si Rafa kaya naisipan kong igala muna sa mall si Lawrence. Tuwang tuwa 'yung bata habang nakasakay sa jeep.
"This is my first time riding on a jeepney po!"Sabi ni Lawrence.
"Really?nakakatuwa naman..anong ginagamit mong sasakyan papunta sa school kung first time mo magcommute?"tanong ko.
"My kuya drives me to school. I miss him po ate Che."
Nalungkot ako para sa bata dahil hindi man lang siya hanapin ng kuya niya. Paano nalang kapag may masamang nangyari dito kay Lawrence?
"Para po."sabi ko sa driver.
agad kaming tumawid sa kalsada. May tumatawag pa sa phone ko pero hindi ko na muna sinagot.
"Ate Che,someone's calling you po.."
pagkapasok namin sa mall,may tumawag ulit kaya agad ko na 'yun sinagot. "Hello?"sabi ko sa kabilang linya.
"Che-an,It's Cael. Nasa Music Hall kami ngayon with my manager,wala kang gig?gusto ka sana namin makausap."
"Ahh,ganon ba?papunta na kamo ako."
"Yeah,okay take care."huling sabi ni Cael bago ibaba 'yung tawag.
"Look,ate it's kuya!"sigaw ni Lawrence habang dali-daling lumalabas ng mall.
Pipigilan ko sana siya nang tumakbo siya sa tawiran. "Lawrence!"
Hindi ko na nagawang habulin si Lawrence hanggang sa mahagip na siya ng sasakyan.
walang malay si Lawrence nang ipasok siya sa ambulansya. Tinawagan ko si Quinny para magbantay sa ospital. Mangiyak-ngiyak ako habang nagsasalita.
"Shh,wag ka na umiyak..pupunta ka pa sa Music Hall para kitain si Cael. Gusto mo bang makita ka niyang ganyan beh?"pagpapatahan sa'kin ni Quinny sa kabilang linya.
"Kasalanan ko,Quin..naaksidente si L-Lawrence dahil s-sakin.."
"Aksidente 'yon beh!hindi maiiwasan kaya 'wag mong sisihin 'yung sarili mo okay?papunta na 'ko sa ospital ako na bahala..bye."
Pagkababa ng tawag ay inayos ko muna 'yung sarili ko bago tuluyang kitain sa Music Hall si Cael. nandun din ngayon si Rafa nagpeperform.
------
"Oh..Hi,iha. Sabi sa'kin nitong alaga ko ikaw daw ang maswerteng napili sa photoshoot with Cael"sabi sa'kin ng manager ni Cael.
"ahh,yes po."nahihiya kong sabi.
"parang mas bet ko para sa'yo 'yung nasa stage."rinig kong bulong nung manager kay Cael.
Tumingin ako do'n at nakita ko si Rafa sa stage na kumakanta habang nanggigitara. Sino nga bang hindi magugustuhan ang bestfriend ko?ganda-ganda eh.
"Madam,pay respect naman for Che-an..siya 'yung napili kong makasama sa photoshoot. Also,she's beautiful."paliwanag naman ni Cael sabay ngiti sa'kin kaya ngumiti nalang din ako.
BINABASA MO ANG
Malay Mo,Tayo
Teen Fictionsi Che-an ay makakakilala ng tatlong lalaking magiging parte ng buhay niya ngunit sino nga kaya sa kanila ang karapat-dapat na bigyan ng kasiduraduhan ang "Malay mo,Tayo"