(05)bashers haters

7 1 0
                                    

mabilis naman akong naihatid ni Chelsey sa condo namin. Naabutan ko pa si Quinny na nagpipinta. Hindi ba napapagod kamay niya?parang nakakangalay kasi 'yung ginagawa niya ngayon eh at may kalakihan din 'yung canvas.





"Hi,beh nakauwi ka na pala..kakauwi ko lang din 20 minutes ago."sabi sa'kin ni Quinny nang mapansin niya 'ko magtanggal ng sapatos.






"Oo,medyo napagod din ako hehe."






"Nasa'n na?"tanong niya.






Napakunot naman 'yung noo ko. "Anong nasa'n na?"





"Yung banana milk beh nasa'n na?tinignan ko 'yung groceries na pinadala dito ni Chelsey kanina,wala 'yung banana milk."





napaisip ako ng palusot ko sa kaniya. Nalaman ko rin kasi na 'yung mga fans ni Cael 'yung umubos ng banana milk. Si Cael kasi 'yung endorser.






"May binili talaga ko baka nakaligtaan lang nung cashier."palusot ko.






Tumingin muna siya saglit sa'kin na parang nagtataka bago tuluyang ituon 'yung atensyon niya sa pinipinta niya.






"Bakit mo nga pala pinapabili 'yung banana milk?pwede namang kahit ordinaryong gatas nalang."






"kasi beh,si Cael 'yung endorser no'n ano ka ba!saka may code do'n..kapag nakuha mo 'yung banana milk na may code,may chance na makasama ka sa photoshoot with Cael for 1 week!" paliwanag naman niya habang nakangiting nagsasalita.





"Sabagay..ganun pala 'yon. By the way, may nanliligaw ba sa'yo?"






Kung sakaling nililigawan man siya ni Cael,dapat aware kami 'no.






"Luh,grabe ka beh ang speed naman ng mga tanungan mo hahahaha. Syempre,wala akong suitor 'no. Kung meron man,dapat nagpahanda na 'ko."sagot naman ni Quinny.





Napatango nalang ako. Namisinterpret lang pala talaga namin ni Chelsey 'yung kabaitan ni Cael. Masyado naming najudge agad,hays.




"nagchat pala sa'kin si Chelsey,punta daw tayo sa milktea shop niya. Nandun din ngayon si Cael hahahahahah."sabi bigla ni Quinny na siyang nagbasag sa katahimikan dito sa condo.





"Ngayon na ba?tara na"aya ko naman.






Nagtaka naman ako sa biglaang pagngiti ni Quinny sa'kin na parang may pinapahiwatig.





"Umamin ka nga,gusto mo si Cael 'no?"tanong niya.





"Luh,ano ka ba..hangga't willing akong maghintay kay Kristan sa park,nangako ako sa sarili kong hindi ako titingin sa ibang lalaki."



-----


ang daming tao ngayon dito sa Chea Shop. Hindi naman kami nainform ni Quinny na may papicture pala dito kay Cael ngayon kapag bumili ng milktea.





Iba talaga kapag may kapatid na sikat.
Sa haba ng pila mukhang maraming kikitain ang shop ni Chelsey ngayong araw. Hindi na 'ko magtataka kung bakit mayaman siya. Siya rin kasi may-ari nung Chel's Music Hall kung saan kami may gig.






Sa edad kong 25,I'm still chasing my dreams. Puro gig lang ako sa ngayon pero pangarap ko talagang maging singer at composer at the same time.





"Papicture naman,miss."biro ni Cael sa'kin.





"baliktad yata,Cael. Ganda ng porma mo...bagay sa'yo."





Malay Mo,TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon