Chapter 17

5K 209 48
                                    


A little bit of a throwback...

Liam Finn Turner's POV


I'm here outside waiting for dad. He's still on the meeting and I don't want to get involved in their businesses. Ba't pa kailangang dito sa Greece sila magkikita ng mga barkada niya?

Tsk! I hissed and, at the same time, squished little monda in my pocket. Mom gave it to me before she passed away. It's the only token I have from her.

"Finn, anak, kainin mo muna ito. Babalik ako okay at dito ka lang," si tita Elena.

Pumasok siya sa loob matapos binigay ang burger sa akin at dalawa 'to. Gusto kong magbawas ng timbang. Mataba na kasi ako. Mataba naman talaga ako kahit noon pa. But slowly, I lose weight because I have no more appetite, at isama mo pa ang mga bullies sa harapan ko.

I want to punch their faces and rip their guts. At age thirteen, I'm learning karate now and slowly. I'm learning how to discipline myself. I have already lost a lot of weight and aim to lose more. But how can I lose if Tita Elena always buys me junk food?

I gritted my teeth while staring at the food she gave me. I was about to throw it in the garbage when I saw someone sitting in the corner beside the pile of trash.

She's on her own, and I slowly approach her. She's humming into a musical rhythm that soothes me. Hindi ko muna siya kinausap at tinitigan lang ng mabuti.

She kept kicking little stones in front of her. She's got wavy long black hair and fair skin. Nakasuot siya ng bulaklak na bestida at may malaking ribbon sa buhok nya. Tinitigan ko lang siya hanggang sa napansin ko ay umiiyak na siyang mag-isa.

Wala siyang panyo o tissue man lang. Kaya sa damit niya pinahid ang luha niya. I don't know what it is but my heart melts in agony when I saw her crying. Humakbang na ako palapit. Hindi ko rin napigilan ang sarili.

"Here, tissue." Lahad ko nito sa kanya.

She only stared at the tissue in my hand and didn't even bother to grab it.

Nangawit na ang kamay ko. E, ayaw naman niyang kunin ang tissue kaya ako na ang nagpahid sa luha niya. Umusog siya nang konti at mukhang natatakot 'ata sa akin.

"It's okay. I won't hurt you."

Hindi siya nag-angat ng tingin at nakayuko lang din. Naiinis na tuloy ako.

Ano bang klaseng babae 'to? Mahiyain siya masyado. Umupo na ako sa tabi niya at may dinukot ako sa bulsa.

"Ito e-try mo." Lahad ko.

Tinitigan niya lang ito ng iilang minuto sa kamay ko. Nangawit na naman ako. Nakakainis na!

"Are you deaf?"

Hindi pa rin siya nagsalita at nakayuko pa rin.

"Here, it's okay."

Kinuha ko na ang isang kamay niya sa gilid at nilagay si Monda sa kamay niya. Malamig ang kamay niya, dahil siguro kinakabahan ito. It's normal, dahil noon ganito naman ako.

"Squeeze it," ngiti ko.

Then she started squeezing it gently. Hindi pa rin siya nag-angat ng tingin sa akin at sa kamay lang niya siya nakatitig.

"How does it feel? Does it feel good?"

She bit her lower lip and nodded gently.

"If you feel tense and stressed, just squeeze Monda, okay?"

Tahimik pa din siya habang tumatango sa akin. I was once timid and shy but I've come out slowly in that shell. Pinalipat ako ni daddy at nag-aral na ako sa Amerika at mas mabuti na ang paligid ko roon kaysa sa Pilipinas.

Chasing Skye (S1) ✅ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon