Chapter 24

4.6K 176 28
                                    




The Deal

Ngayon maliwang na sa akin ang lahat. Ba't pa kailan kong pagdaanan ito? Hindi ba puwede na maging kami na lang ni Liam? He's a Mondragon and it doesn't make sense at all? Ba't hindi siya pwede sa akin? Sino pa ba ang puwedeng humadlang sa amin maliban sa sarili niyang ama?

Nasa balkonahe ako, sa ikatlong palapag ng bahay namin. Maigi kong pinagmasdan ang mga tao sa baba. Hindi pa tapos ang party. Pero pagod na ako. I don't think I can entertain visitors anymore. Makikipag plastikan lang ako sa kanya. Kaya umakyat na ako sa balkonahe rito para makapag-isip ng mabuti.

Tumingala ako at may iilang bitiun sa madilim na langit. Malayo ito sa mga bituin na nakikita ko sa isla ni Liam.

There, I can see millions of them, shining in the sky. While here? Seemed like they were hiding in this chaotic city. I took a deep breath while looking at them in the sky.

Naalala ko si Liam at na miss ko na siya ng sobra. Hindi ko na 'ata maalala kung anong mukha ang meron siya ngayon.

I haven't seen him for more than two weeks, and that two weeks alone is torture for me.

Kumusta na kaya siya? Na miss ko na siya ng sobra.

Umayos ako sa pagkakatayo nang marinig ang pagtikhim na boses sa likod ko, at si Don Ricardo Mondragon ito.

He stood up beside me like an almighty god. I swallowed hard and tried to hide my fears.

Sa presensya at tindig niya palang ay alam kong makapangyarihan siyang nilalang. Binalik ko ang tingin sa itaas ng langit at huminga ako ng malalim.

"Lucy Skye del Monteverde. L'unica figlia della mia migliore amica, Brett (the only daughter of my best friend Brethren)." Panimula niya at hawak sa gintong tungkod nito.

"You got your mom's beauty, hija. Kaya hindi nakapagtataka na nahulog ang puso ng dalawa anak ko sa 'yo." Bahagyang ngiti niya.

Napakagat ko ang pang ibabang labi ko. Kinakabahan ako ngayon at hindi ako makatingin sa kanya.

"Liam is bound to marry someone else, Lucy. Kagaya rin nang napagkasundaan namin ng ama mo noon sa 'yo at kay Drew. May iba para kay Liam."

Parang napako ang puso ko ngayon sa narinig mula sa kanya. My heart is crushing inside me and it's crying for Liam's name. Mas bumilis ang pintig ng puso ko at ang paghinga ko, pero pilit kong pinigilan ito.

"So, you're treating them as a possession? A business exchange for your own benefit? And not your sons. Tama ba?" tigas na boses ko sa kanya.

Ramdam ko agad ang talas nang titig niya sa akin. Nakakapatay ang titig niya ngayon. Pero hindi ako umiwas nang titig sa kanya. Bahagya na siyang natawa at napailing na.

"Anak ka nga ni Brethren." Tingala niya sa langit.

Natahimik kami ng iilang segundo. Ayaw ko munang magsalita. Hindi dahil sa takot ako sa kanya. Nag-iisip ako ngayon at iba ang tumatakbo sa isip ko. Pinag-iisipan kong mabuti ang susunod na sasabihin ko.

"I can give you two options, Lucy." Panimula niya at tumitig na siya sa akin nang buo.

"It's your freedom or Liam's freedom?" tiim-bagang niya.

What?

I looked at him straight away. Nag-aapoy ang mga mata niya at alam ko na hindi siya nagbibiro ngayon. He's giving me an option. A choice that I need to choose.

"And what do you mean by that?"

Kaya mo 'to Skye! Sigaw ng isip ko. Pero sa loob ko ay nanginig na ako at mas kinabahan na akong lalo. Pero ayaw kong makita niya ang takot sa mga mata ko. Kaya mas tinatagan ko pa ang sarili ko.

Chasing Skye (S1) ✅ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon