Chapter 25

4.7K 175 21
                                    


Naging mabigat ang mga nagdaang araw para sa akin.

I tried to convince myself that I choose the right path but it seems like I'm regretting my decision. I wish I could turn back the time and change it. The wedding will be in three weeks from now.

Parang ayaw ko ng gumising pa at mas gusto ko na lang matulog palagi. Si mommy na halos lahat ang nag asikaso sa mga kakailanganin para sa kasal namin ni Drew.

I haven't seen Liam for four weeks. At kahit papaano ay umaasa pa rin ako na makikita siya. I want to see him and talk to him for the last time. Pero parang impossible na 'atang mangyari ito.

I always feel sleepy most of the time. I find it weird, but I got used to the feeling of it.

Maigi kong tinitigan si squishy sa mga kamay ko ngayon. Pinisil pisil ko pa 'to. Palaisipan pa din para sa akin kung paano siya napunta sa kwarto ko.

Perhaps? Did Liam visit me that night?

Hindi ko alam pero malakas ang kutob ko. At kung totoo man, akit hindi siya nagpakita sa akin?

Bumuntonghininga na ako habang nakatingin sa kawalan. Today is the family dinner event of Drew and mine. Ang totoo, kinakabahan ako dahil baka makita ko Liam, at hindi ko alam kung ano ang mangyayari pa.

Sa isang eksklusibong hotel restaurant ang meet up ng pamilya, and it's owned by Mondragon. So, I'm expecting that Liam will be there too.

I look at the dress that I'm about to wear, and I don't like it. Pula kasi 'to, at ayaw ko sa mga pulang damit, dahil parang sumasakit ang ulo ko. Dumating si Mommy na may dalang damit na kulay puti.

"What about this one, hija?"

"Hmp, puwede na, Ma." Ngiwi ko sa kanya. Kinuha ko 'to at pa simpling sinukat sa katawan ko.

"You know what? There's something wrong about you lately?" taas kilay niya.

Yes, I know, and it's not me. Ba't pa kailangang sabihin ni mommy ito?

Hindi ko na siya pinansin at nagtungo lang ako sa loob ng changing cubicle area, ng kwarto ko.

"Do you have morning sickness?" maarteng boses na tanong niya.

"What do you mean, Ma?"

Mabilis akong nagpalit ng damit at lumabas na cubicle. Then, I looked at myself in the mirror. It's okay. Napangiti pa ako sa sarili. Tahimik naman akong pinagmasdan ni mommy sa likod. Kitang kita ko ang mukha niya sa malaking salamin, na nasa harapan ko ngayon.

"Ahm, hang-on, hija. . . I'll wait downstairs okay." Sabay talikod niya at tumango na ako sa kanya.

"Okay, mom. I won't be long."

Hindi ko na inayos ang buhok ko. I only did a few sprays from the crisp sea salt water-kaya okay na 'to. Medyo pormal na ang dating ko ngayon. I'm wearing an off-shoulder white top with a silky ribbon on my shoulder and my denim jeans.

Kinuha ko lang ang channel shoulder bag at inilagay si squishy sa loob nito. Napangiti pa akong tinitigan ito, bago tuluyang sinara ang bag ko. At nang makababa na ako, ay naghihintay na sina daddy at mommy sa labas.

Hindi naman malayo ang venue. Pormal pa kaming sinalubong ng limang staff ng hotel.

We even use a separate elevator, which is exclusive for the owner's use. May dalawang security escort pa kami sa likod.

Nang bumakas ang elevator ay hudyat na nasa ika dalawangpung palapag na kami. Nilibot ko muna nang tingin ang buong paligid na hotel sa loob.

It's very decent and beautiful. The architect itself inside is vintage. Maganda ito. Maganda at pormal ang pagkakagawa ng desenyo sa loob.

Chasing Skye (S1) ✅ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon