Chapter 5

8K 266 115
                                    




Mistaken Identity



Pinaliwanag ni France ang lahat ng rules and regulations sa loob. Mahigpit ang pamamalakad ng Demoirtel. They have everything from resto, disco, bar and restaurant. Hindi mo na kailangang lumabas kung empleyado ka rito. Maliban nga lang sa iilang janitors/janitress na katulad ko.

Nakiusap na si France kay Madame X tungkol sa akin at pumayag na siya na maging janitress ako. Pero temporary lang daw. Okay na sa akin ito. Mas mabut ito kaysa wala talaga. Mabait din naman pala ang bakla kahit na paiba-iba ang ugali niya. Masuwerte rin ako dahil may extra siyang kuwarto sa loob. It's only small and just enough for me. Okay na 'to sa akin at hindi na ako mag re-reklamo.

"Beggars can't be choosy," ngiti kong tugon kay squishy.

Nasa kusina ako ni France. Tiningnan ko kung ano ang pwede kong lutuin. Binuksan ko ang refrigerator, pero tubig lang ang laman. Napailing na lang din ako. I look at the clock and its not that late. Kaya nagpasya akong lumabas para bumili ng makain.

Binigay kanina sa akin ni France ang reserbang susi sa unit na ito. Bukas pa ako magsisimula sa trabaho ko bilang janitress. Inayos ko lang ang iilang gamit na dala ko, at pagkatapos ay bumaba na ako para makabili ng pagkain.

Kitang kita ko ang isang babae na nasa information desk. Sa gilid siya nakatayo. Makaagaw pansin ang hitsura niya. Mahaba ang dilaw niyang buhok at maganda ang katawan niya. Isama mo rin ang malaking pwet niya! She seemed so hot, and I bet men are dying to have her on their bed!

Lumabas na ako. Nilingon ko pa ang bawat gilid at namataan ang 7/11 na hindi kalayuan. I'll probably get my supplies in that store and will buy some packets of noodles too. Magluluto ako sa condo ni France.

Bumalik agad ako pagkatapos namili at napadaan sa third floor. Namataan ko ang isang batang babae. Napakaganda niya. From her look, I can say that she's a mix. May halong dugong banyaga dahil sa kulay ng kutis na meron siya. Medyo kulot din ang buhok niya.  I'm sure both parents are good looking. Nakasunod ang isang babae na medyo  matanda na at parang yaya niya 'ata.

Patuloy ang hakbang ko hanggang sa marating ang unit ni France. I didn't take the elevator. Gusto ko lang din na maglakad at makita ang lahat sa loob. Para naman bukas alam ko na ang gagawin sa trabaho ko.

"Skye," si France. Kakarating lang din niya.

Tamang tama at nakapagluto na ako. Tumaas ang kilay niya habang pinagmamasdan ang ginawa ko. Nagkibit balikat pa ang bakla! Ang arte talaga!

"Ayaw  mo? Nagluto ako."

"Ugh, no dear, I don't eat instant noodles!"

Ang arte! Kaya inirapan ko na. Umupo siya sa mesa at pinagmasdan lang akong kumakain.

"Hindi ko alam na kumakain na pala ang prinsesa ng instant noodles?" Taas kilay niya.

I rolled my eyes at him. "France kumakain din ako ng tuyo!" Sa patuloy ko na pagsubo.

"Iba nga siguro ang nagagawa mo. Kakaiba ka rin girl," umayos siya sa pagkakaupo.

"Ewan ko sa 'yo! Ayaw mo ba talaga?"

"No thanks. We actually have foods here downstairs. They cater everything, Skye. Pero exclusibo nga lang sa mga nakatira talaga dito."

I know he's teasing me. Iba rin ang baklang 'to. Nakakainis talaga!

"So, alam mo na ba ang gagawin mo bukas? I won't be here tomorrow. Hindi kita mababantayan. You look after yourself na lang girl, okay?" Sabay tayo niya.

Chasing Skye (S1) ✅ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon