Chapter 21

4.4K 188 34
                                    


Inayos ko na ang iilang gamit sa kwarto. Wala si Liam, nasa kabilang Isla siya. May bagong investor, kaya maaga siyang umalis at sinamahan niya ang investor sa kabilang Isla.

It's been two days and we had a good talk. He doesn't want to give up on me and I don't want to give up either. Gusto niyang harapin ang lahat na kasama ako. Pero natatakot ako dahil alam ko na hindi maganda ang kahihinatnan nito.

France called me yesterday. Tumawag sa kanya si Kuya Bimbo. Nasa Maynila na raw si daddy at kasama si mommy. I am more scared because I know any minute they will soon find me here.

I finished my shower and combed my hair while looking at myself in the mirror.

Hindi ko alam kung saan ako nagmana. Hindi ko alam kung ano ang mukha ng totoo kong ina. Sinabi lang ni mommy sa akin na wala na silang dalawa. . . that they've passed away when I was still a baby. Isang beses ko lang nabisita ang puntod nila, dahil sa higpit ng seguridad ni daddy.

It was a car crash accident. Mommy told me they were going to my baptism that day, and the accident occurred. It killed my parents, including one of their close friends, and I was left behind miraculously alive. Ni wala raw akong galos na natamo at nakangiti pa raw ako habang ni re-rescue ng mga paramedics.

Ang sakit lang sa pakiramdam dahil hindi ko man lang sila nasilayan. Okay naman si mommy sa akin. She takes care of me and always take me with her in every gathering. Pero natigil ang lahat nang tumuntong akong sixteen. Ayaw na ni daddy na ipakilala ako sa publiko. I don't know why. Hindi na ako nagtanong kasi natatakot ako.

"Ms Skye Martinez?"

May kumatok sa pinto ng kwarto kaya mabilis na akong tumayo at inayos ang sarili.

Nang bukasan ko ito ay bakas sa mukha ni Dan ang pag-aalala, manager siya sa islang resort ni Liam dito.

"Dan? May problema ba sa finance?" kunot-noo ko.

Kaya ko nalaman ang problema sa takbo ng negosyo ni Liam dahil alam ko ang kalakaran sa negosyo.

I finished my finance management and accounting. After that, I did my course online, home base. Hindi naman ako bobo. Dad taught me quite a few and even managed a little bit on some of his businesses in Cebu. That's why I did my best in everything; he was so proud of me.

Alam ko na malaki ang hinahawakan na negosyo ni daddy na kasama ang mga Mondragon internationally.

I even remember travelling to Greece and Italy for that purpose. That's way I did my best to excel. Para pagdating nang tamang panahon ay pakakawalan na ako ni daddy. Pero mali rin pala ako, maling mali dahil hindi nangyari ito.

"Ma'am S-Skye-"

Hindi niya natapos ang gusto pa sanang sabihin dahil nakita ko na agad ang iilang private security sa boung Isla. Unang tingin ko pa lang alam kong nandito na si daddy.

"Oh, my God!" Takip bibig ko.

Lumabas ako at kitang-kita ko si Mommy na mabilis ang hakbang palapit sa akin.

"Lucy! My darling," iyak niya.

Halos mapaos na ang boses ni Mommy nang yakapin niya ako. Niyakap ko rin siya nang husto.

I miss my mom so much. I miss her scent. Na miss ko siya nang sobra kahit pa minsan ay malamig siyang makitungo sa akin. But deep down inside I know she love me so much.

"Thank goodness, hija. How are you? Are you okay? Sinasaktan ka ba nila?" nag-aalalang boses niya.

Kumunot ang noo ko sa narinig mula sa kanya.

Chasing Skye (S1) ✅ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon