Chapter 12

5.5K 242 104
                                    




Truth



Masaya ang mga nagdaang araw namin ni Liam. Kahit nandito kami sa island resort niya ay hindi pa rin nawawala ang trabaho at dala niya ito rito. I felt jealous looking at him, sitting in front with his laptop on. Seryoso ang mukha niya sa ginagawa samantalang ako? Nakatitig lang sa kanya.

Nasa labas ng lobby ng cottage kami nakaupo. He's having a corporate meeting online with the stock holders. Tahimik lang din ako sa gilid at nagmamasid sa social media account ko. Matagal ko na kasing hindi ginamit ito. Baka kasi ma trace lang ako ni Daddy. Kaya ginamit ko na lang social media account ni Liam. He offered it anyway, not me.

Ang dami niyang followers. Like nearly a million! At halos lahat mga babae. He got a few pictures, too, but most of it was tagged by women.

Halos mga babae ang nasa mga litrato niya, at iyong iba ay inaakbayan siya at may iba pa na hinahalikan siya sa pisngi.

Huh, iba ka rin Liam! Napailing na lang din ako sa sarili.

When I searched for my account, I was left astonished. Follower ko pala siya? Kailan pa? Hindi ko alam 'to ha. I only have a few pictures posted. Pero wala naman siyang ni like ni isa! I have only one hundred followers, at halos lahat sa kanila ay hindi ko kilala.

Nilingon ko siya ngayon at abala pa rin. Kaya kinuha ko na ang pagkakataon para titigan siya nang mabuti.

He's very handsome indeed, and still, in his summer shorts and white t-shirt, he seems manly enough for me. His sun-tanned skin and his granite muscles were such a beautiful context of his body.

I swore in the back of my mind while adoring him.

His hairy skin feels nice, and that alone gives me tickles.

Oh shit. Nahinto ako sa iniisip ko habang tinititigan siya. Insakto naman ang pag-angat nang titig niya sa akin.

My goodness, Skye. Nagnasa ka na! Napakurap pa ako at nag-iwas na sa titig sa kanya.

And then his phone ring. Nilingon ko agad siya at sumenyas ako sa kanya. Sumenyas din siya pabalik sa akin. He wants me to answer his phone on his behalf. He even smile when he signals back at me. Kaya sinagot ko na 'to.

"Hello?" maingat na boses ko.

Natahimik ang kabilang linya ng iilang segundo, kaya pinakiramdaman ko 'to.

"Hello? Sorry, but Liam can't-"

"And who are you?" maarteng tigas na boses niya at babae ito.

"Ahm, it's Skye here. Sorry kasi nasa meeting pa si Liam. Kaya ako na ang sumagot."

"Ah, okay. Are you his new secretary?" she asked strictly.

Ang taray niya makaasta! Ako? Bagong sekretarya? Hmp! Iba rin pala ang babaeng 'to ah. Hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko, kaya sinabi ko na lang na sekretarya niya ako.

"Um, yeah, sort of like that. I think." Taas kilay ko kahit na wala naman siya sa harap ko.

"Nasaan ba kayo? Where is he?"

"Nasa meeting pa kasi siya at nasa isla pa kami," mahinahong tugon ko.

The truth I don't like the way she talks back at me. Kahit nasa kabilang linya lang ito, ay halata ang inis at galit sa boses niya sa akin. At ang arte pa ng boses niya!

"Tell Liam it's Amanda. At huwag mong kalimutan! And why the hell will he take you on that island?"

Tumaas ang kilay ko at uminit na ang dugo ko sa babaeng 'to.

Chasing Skye (S1) ✅ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon