3.1

5 0 0
                                    

Moonbyul

Andito kaming tatlo nila kuya sa sala kasi wala naman kaming ginagawa, actually sila meron ako wala. Nag lalaro sila kuya ng ml habang ako ito nakahiga sa gitna nila habang nakatitig ka kisame. Kung nalilito ka kung anong itsura ng pwesto ito i-explain ko, yung ulo ko nasa lap ni kuya Jah tas yung middle part ng body ko which is torso tas tyan nasa walang naka upong part tas yung legs ko naman nasa lap ni kuya Hao.

"Jah Top ka Middle ako" sabi ni kuya Minghao. Hindi ko talaga alam anong pinagsasabi nila basta all i know nagkakaintindihan sila, di kasi ako marunong mag ml puro wattpad lang. Mga 3 minutes nakong nagtitiis sa sigawan nila, puro 'tangina nitong si ano' 'ay gago lag' 'puta miya umayos ka' tas kung ano ano pang mura.

Nasa kaligitnaan sila ng paglalaro ng naisipan kung gumalaw sa pwesto ko at dahil nakahiga ako sa gitna nila syempre mga nag ririklamo yung dalawa.

"Ano ba Byul wag ka ngang makulit namatay tuloy ako" sabay nilang sinabi tas pinaalis nalang ako sa pwesto at ako naman 'tong immature na umalis ng naka busangot. Pumunta ako sa kwarto at naligo ulit tas nagbihis ng pang-alis, simple lang naman yung damit ko naka white na t-shirt sa loob tas naka pink na hoodie, black jeans at white converse. Sinadya ko na mas mahaba yung t-shirt ko keysa sa hoodie ko para may unting design yung suot ko. Pumunta ako sa sala at mag paalam sa kanila.

"Kuya aalis ako babalik ako mamayang dinner" sabi ko at dinila ako pinansin, pero syempre bago ako umalis uminom muna ako ng gamot tas uminom ng tubig, bumalik ulit ako sa kwarto kinuha ko yung wallet ko at panyo tas isang liptint tas nilagay ko yun sa backpack ko na maliit, binunot ko na sa pag ka charge yung cellphone ko at tuluyan ng umalis.

Pag labas ko ng building namin pumunta ako sa pinaka malapit na convenient store at bumili ng tubig, nalibot libot lang ako tas pumunta sa isang fast food chain para kumain. Bored na bored talaga ako pero okay lang kaysa naman nasa bahay ako. Pumunta ako sa playground at doon nako tuluyang tumambay. Madami akong nakita na mga familiar faces medyo na bobored ako kaya ngayon nakatulala lang ako hanggang sa may nag salita saking tabi.

"Hi babe, bat mag isa kalang" pagtingin ko alam niyo kung sino, syempre alam niyo, fanfic niya 'to eh.

"Anong kailangan mo, Jun?" tanong ko sakanya.

"Ikaw, tara samahan mo'ko" at being the putangina gago himself, hinatak niya ko ng walang pahintulot. Syempre walang magawa ang ate niyo at sumama nalang libre naman kasi. Nakailang sine na kami, ilang arcade, ilang mall, ilang park, at nakakailang kain narin kami, hanggang sa pumunta kami sa apple store.

"Pili ka ng kahit anong gusto mo, kahit ilan, kahit magkano, bibilhin ko" sabi niya, binigyan ko naman siya ng questioning look.

"At bakit kailangan kong bumili?" tanong ko naman sa kanya. Tumawa naman siya ng bahagya.

"Peace offering ko yan sayo" at ako naman tong napatawa magbibigay agad niya ng peace offering eh hindi pa nga siya nag sosorry.

"Peace offering mo mukha mo, ni-hindi ka pa nga nag-sosorry eh" sabi ko tas tinarayan naman siya.

"Edi sorry na, sorry kung nahusgahan kita, sorry kung pinagtripan kita, sorry na" sabi niya tas hinawakan naman ang kamay ko.

"Good, tara alis na tayo" sabi ko na hinatak siya.

"Wait anong alis, hindi tayo aalis dito kung hindi tatayo bibili ng peace offering para sayo" sabi niya at hinatak ako pabalik walang akong magawa mas malakas siya sakin.

"Pili na" sabi niya at kinuha ko yung cellphone ko at nagscroll-scroll, hindi ko siya pinapansin kasi ayoko bilhan niya ko ng materyales na mahal, kanina pa talaga siyang ganyan pinipilit niya ko pumili eh ayaw ko, ilang beses ko nadin sinabi sa kanya na ilibre niya nalang ako ng pagkain ayaw niya masyado daw malaki yung atraso niya sakin.

"Ayaw mo talaga pumili okay, dyan kalang" sabi niya at iniwan ako sa isang upuan dito sa loob mga 17 minutes din bago siya bumalik.

"Oh ito Moonbyul para sayo" sabi niya at may tinapat na paper bag sakin.

"Ano 'to" sabi ko at hindi ko parin tinatanggap yung binibigay niya.

"Bagong cellphone, iPhone 11 ayaw mo kasi pumili kaya ako nalang pumili para sayo" sabi niya, tinawan ko lang siya dahil sa sinabi niya at hindi ko nalang siya pinansin lumabas na lang ako sa store.

"Hoy wait lang Moonbyul!" tawag niya sakin, medyo binilisan ko yung pag lalakad ko pero nahawakan niya yung kamay ko at hinarap niya ko sa kanya.

"Pag hindi mo'to tanggapin hahalikan kita" banta niya sakin.

"As if na mahahalikan mo-" pinutol niya yung sasabihin ko sa paraang paghalik sa aking mga labi, mga 3 seconds din yun. Tinulak ko naman siya.

"Akin na nga yan, gago ka pero salamat" sabi ko sakanya tas iniwanan ko siya kinatatayoan niya, huhuhu first kiss ko yun.

"Oi, teka lang!" sigaw niya at humabol sakin at dahil long legged niya naabotan niya ko inakbayan pako ng gago, tinanggal ko yung pag ka akbay niya sakin.

"Hindi ka pala mahahalikan ha" sabi niya tas tumawa.

"Putcha yung labi mo lasang playboy" sabi ko tas pinalo yung labi niya.

"Abay gago ka pala eh" sabi niya tas tumawa ulit siya tas hinawakan niya yung kamay ko, hindi ko nalang din tinangal baka kung ano pang gawin nito sakin, atsaka nag e-enjoy rin naman ang ate niyo, chour kalande eh.

Nakareceive ako ng message galing kila kuya.

"Asan ka, bat umalis ka ng walang paalam"

sabi ko na sainyo eh hindi nila ako pinansin. Nakalabas na kami ni Jun sa mall. Hinawakan ko yung dalawang kamay niya.

"Salamat Jun nag enjoy ako ngayong araw, maliban lang dun sa part na hinalikan mo'ko" sabi ko at nag-paalam sa kanya.

"Ba-bye din ilabu" putcha ilabu daw, tangina!

____

Another update!!
stay safe, pa-enroll na kayo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Getting Closer & Closer [wjh]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon