1

94 2 0
                                    


Ps. This is not your ordinary story


2015







"Pucha naman oh! Ang aga aga, wala pa akong tulog!" dabog ko sa sarili ko pagkatapos kong makapasok sa bahay galing sa KTV Bar nila Aling Tising sa kabilang kanto. Tinanggal ko agad ang tsinelas ko at pumasok na sa kwarto para magtanggal ng damit.









Naabutan ko naman si Nanay Rosang na natutulog lang sa sahig at naglapag lang ng foam para hindi lamigin ang likod niya. Pagkatapos ko tanggalin ang damit ko ay kinuha ko na ang towel sa sampayan at dumirecho sa cr. Huling tingin ko sa oras ay 4:30 AM, dapat 5:30 pa lang ay nasa karinderya na ako. Dahil dun naman ang schedule ko ngayon.









Ang hirap talaga maging mahirap.









Kinuha ko na ang shampoo at inilagay agad sa buhok ko. Medyo nahihirapan nga lang ako sa pag suyod sa buhok dahil sa haba nito. Hindi ko pa kasi naiisipan kung ano ang gagawin ko sa buhok ko, kung papagupitan ko ba o hahayaan na lang. Hindi din naman ata bagay sakin ang maiksi ang buhok dahil na-try ko na din yun dati nagmukha lang akong Dora.









Pagkatapos kong magkuskos sa sarili, ay nagbuhos agad ako. Hindi ko na alam anong oras na ba pero pakiramdam ko late na late na ako sa karinderya.







Agaran ko naman kinuha ang towel at tinapis sa katawan ko. Kumuha na lang ako ng leggings na itim at puti na tshirt na bigay nila Porschia. Mga di na daw nila ginagamit na damit kaya binigay na lang sakin. Maganda din noh na may kaibigan kang mayaman. Napapamahigan ka ng damit o sapatos kaya okay na din.









Nagsuot na lang ako tsinelas dahil dun lang naman sa karinderya ang punta ko. Hindi naman ako pupunta sa mall para magsapatos pa. Sinuklay ko na agad ang buhok ko pagkatapos lumadlad nito sa tuwalya. 5:20 AM na at talagang malilintikan talaga ako sa karinderya. Kung hindi ko lang kelangan kumita ng pera sa pang araw araw namin, hindi na ko papasok sa KTV Bar o sa karinderya na 'yon.









Sumakay naman ako agad ng jeep pagkalabas ko samin, hindi na din ako masyado nagayos ngayon kahit mahaba ang araw kong gugugulin sa karinderya. Nagbayad naman ako agad sa driver at sinabing sa Ateneo lang ako bababa. Nagtinginan naman halos lahat ng mga kasama ko sa jeep, bakit?! ngayon lang ba kayo nakakita ng hampaslupa na pupuntang Ateneo.









Pagkababa ay nagtitinginan pa din sila. Wala na akong oras para tingnan sila pabalik dahil malalate na ako at magagalit na ang boss ko sa Karinderya. Dali dali akong tumakbo pagkapasok papunta sa Loyola building dito sa Ateneo, mabuti na lang wala pang masyadong estudyante sa mga nadadaanan ko kaya hindi man lang ako nahirapan sa pagtakbo.









Pero ang puso ko at hininga ay parang hinahabol ng kabayo.











Pagkadating ko naman ay naglalagay na sila ng mga pagkain sa loob food glass cabinet na nakaharap sa mga mamimili. Pumunta naman na ako sa likod para kumuha ng hair net dahil bawal malagyan o bumagsak man lang ang hibla ng buhok sa pagkain. Naglagay na din ako ng apron sa katawan para hindi ako magkaroon ng mantsa o matilamsikan.









Tumulong naman ako sa kanila sa paglalagay ng mga pagkain, pagkatapos non ay nilinis ko naman na ang mga table na paglalagyan ng mga estudyante mamaya. Hindi kasi pwedeng hindi linisan ang mga table, una dahil syempre kakain ka ba naman sa isang karinderya kung madumi ang lamesa.. diba hindi?







TALITHA | SERIES #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon