Ps. This is not your ordinary story.
-I close my eyes right after kong makahiga ng kama dito sa kwarto. Nakakapagod ang araw na 'to, kagagaling ko lang ng opisina. Nagkaroon din kami ng meeting kanina sa company kaya parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa sobrang pagod. Wala naman akong aasahan diba? Ako lang.
"Thia Hija? May package sa'yo dito. Pinadala kanina." sabi ni Nanay Rosang sa labas ng pintuan pagkatapos kumatok. Pumasok naman siya pagkatapos nung hindi ako sumagot. Ibinaba niya naman sa upuan ang package na sinasabi niya. Umupo muna siya sa tabi ko dito sa kama at hinaplos ang buhok ko. "Pagod ka ba hija? Gusto mo ba pagluto kita ng paborito mo?" tanong niya.
Simula nung lumipat ako dito sa malaking bahay ni Daddy ay sinama ko na si Nanay Rosang sakin. Siya ang nagaalaga sakin dati, nung hindi pa ganto karanya ang buhay ko. Kaya nung nakaangat angat ako ay sinama ko na siya sakin. Hindi ko na siya pinayagan tumira dun sa pinanggalingan namin.
Hindi sa nagiinarte ako, wala din naman problema kung dun kami tumira ni Nanay Rosang at ni Asia. Pero ayaw ko lang na dun pa kami magstay ng matagal dahil alam kong pupunuin kami ng chismis don kung dun pa din kami mananatili.
Idinilat ko ang mata ko at ngumiti kay Nanay Rosang. "Okay lang po ako, medyo pagod lang po sa trabaho." sabi ko at ngumiti din siya bilang sagot. Umalis naman siya sa tabi ko pagkatapos at lumabas na dahil titingnan pa daw niya si Asia sa kabilang kwarto. Baka daw nagising na or naalimpungatan. Tumango naman ako.
Asia Eloise Avila
Yan ang binigay kong pangalan sa kanya. Anak ko si Asia doon sa boyfriend kong nag ibang bansa at sana hindi na lang talaga bumalik. Hindi ko kakayaning makita ang lalaki na 'yon sa paningin ko at nandidilim ang paligid ko. Kung ginawa niya 'yon, ang kapal naman talaga ng mukha niya noh?
Masaya na kami ni Asia, na wala siya.
"Asia, eat this." sabi ko sabay turo sa mga prutas na nasa harap niya. Sumimangot lang siya at nag cross arms pa para ipakita sakin na hindi niya kakainin ang pagkain na nasa plato. "Eloise." isang sambit ko pa sa pangalan niya, pero walang effect sa kanya'yon at parang walang narinig sa sinabi ko.
"Okay then, I'm going to the mall pa naman later. Hindi na lang ako magsasama ng baby." pagpaparinig ko kay Asia. Bigla naman nag liwanag ang mukha niya at kinain ang prutas na nasa plato. Inopen niya pa ang mouth niya at nilabas ang dila para ipakita na kinain niya nga ang prutas na kanina ko pa pinapakain.
"I'm done na Mommy Thia!" bigkas niya pa. Lumapit naman siya sakin at hinigit ang kamay ko para makaalis na kami ng bahay. "I don't need to take a bath, naligo naman ako last night." sabi niya sakin at nagpalusot pa huh.
"Ay, pag hindi daw naligo hindi makakapasok. Paano 'yon, Asia? eh di ka pa naliligo?" tanong ko sa kanya. Sumimangot naman siya agad nang malaman niya na kelangan niya pa maligo. "Asia, you need to take a bath okay?" sabi ko sa kanya at inabot sakanya ang towel. Kinuha niya naman agad yon at nagpasama kay Nanay para paliguad siya.
5 years old na si Asia, pero minsan napapatanong siya kung asan ang Daddy niya. Lalo na pag lumalabas kami ng mall or minsan pag may event sa school niya at may nakita siyang daddy ay nagtatanong agad siya. I don't know how to answer. Sa edad niya na 'to, mahihirapan siyang intindihin ang situation na meron kami. Kami ng Daddy niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/226895067-288-k407266.jpg)
BINABASA MO ANG
TALITHA | SERIES #1
Mystery / ThrillerTalitha Avila, CEO of a company here in the Philippines. Single mom and perpetrated to her work for Asia (her daughter). While Asa Cojuangco a prominent engineer in the country because of his work and family name. What will happen if two of them...