A/N: sorry for the typos and bastos na words hehe.
Ps. This is not your ordinary story.
Mabilis lang dumaan ang mga araw kaya hindi ko namalayan na kinabukasan na ang birthday ni Keanna. Tulad nang nakagawian, trabaho sa umaga at trabaho pa din sa gabi ang ginagawa ko. Hindi naman ako nagkaproblema sa trabaho kaya okay lang.
Ngayon, nakatitig lamang ako sa mga damit na nasa durabox. Hindi ko alam kung ano ba ang susuotin ko. Kung mag ddress ba ako o pants na lang dahil kumportable naman ako na iyon ang suot ko. Pero birthday nga diba Thia?
For sure, mga mayayaman ang andoon. Kaya dapat maganda ang damit ko kahit papaano.
Pinili ko na lang ang damit na bigay ni Keanna sakin at nagbaon na din ako ng mga extra clothes para lang sure. Naligo na din naman na ako kanina kaya tamang hintay na lang ako sa text ni Porschia kung asan na ba siya.
Leggings na itim at baguio tshirt lang ang damit ko, hindi ko naman na kelangan mag maayos na damit since matutulog lang din naman don tsaka bukas pa naman magbbongahan ng damit.
"Alis na ako 'nay." sabi ko at nagmano muna ako sakanya bago umalis. Pagkalabas ko ay agaran ko namang nakita ang kotse ni Porschia na nasa labas ng gate, nakatingin lahat ng tambay sa kotse niya at pinagmamasdan ang nasa loob.
Hindi naman na bago sa ibang mga tao dito na may sumusundo sakin na magagandang kotse pero yun at yun pa din ang chismis na ginagawa nila na kesyo may sugar daddy daw ako. Sana nga.
"Bat ganyan mga kapitbahay mo? Grabe makatingin." Bungad sakin ni Porschia nang makapasok ako ng kotse. Para naman siyang hindi pa sanay dahil lagi naman ganyan makatingin ang mga tao na yan. "Dadaanan pa natin si Jade sa Katipunan, andon daw siya ngayon." dagdag niya at uminom muna siya ng starbucks ulit.
"Ano regalo mo kay Keanna?" tanong ko sakanya habang patuloy pa din siyang nagddrive. Ako kasi bumili lang ako kahapon ng damit sa sm, yung mumurahin lang hindi naman ako ganon kayaman. Tsaka appreciative naman si Keanna kaya okay lang.
"Bag lang." simpleng sagot niya sakin.
"Ah, may tatak?" tanong ko sakanya agad. Kahapon kasi dapat bag din ang ibibigay ko kay Keanna pero kasi baka hindi niya magustuhan at mapangitan lang siya kaya nag damit nalang ako. Atleast sa damit, okay lang. hindi halatang mumurahin.
"Uh, yeah. LV." dagdag niya at huminto na ang kotse namin sa tapat ng 711. Nakita naman namin agad si Jade na lumabas at may dalang bag, galing pa siya sa school niya dahil hanggang ngayon naka-uniform pa din ang suot niya.
As usual, naka pusod pa din ang buhok ni Jade gaya sa araw araw at wala man lang kaayos ayos sa mukha. Kahit lipstick o lipbalm wala. Pulbos lang tapos ok na 'yon. Base lang naman sa nakikita ko sa kanya, kaya hindi din siya nireregaluhan ng mga kaibigan namin na pang ayos o pang kikay dahil masasayang lang daw kay Jade.
"Oh, akala ko andito na yung iba." bungad niya nang buksan niya ang pintuan dito sa likod at naupo sa tabi ko. Hindi naman bumeso sakin si Jade dahil ayaw niya ng ganon. Gusto niya lang yung tango tango type lang ng bati, pero kung beso wag na.
BINABASA MO ANG
TALITHA | SERIES #1
Mistério / SuspenseTalitha Avila, CEO of a company here in the Philippines. Single mom and perpetrated to her work for Asia (her daughter). While Asa Cojuangco a prominent engineer in the country because of his work and family name. What will happen if two of them...