A/N:
As I've said kanina, mag-a-update ako ngayon. Enjoy ! ^o^
===
YANA's POV
Nandito na kami ngayon sa canteen ng school. Katatapos lang kasi ng Welcoming program na ginanap kanina.
Medyo nag-enjoy rin kase ang mga freshmens kase andaming kalokohang games ng Principal para sa kanila.
Talagang mafefeel mo ang mainit na pagtanggap ng paaralan sa mga bagong estudyante.
Kumakain kami ng early lunch ngayon. Malapit na rin kasing pumatak ang alas dose at siguradong magiging siksikan mamaya kaya baka magutom lang kami kaiintay.
Habang kumakain kami, napansin ko ang 'di pangkaraniwang pagkatahimik ni Nat.
Para bang meron syang malalim na iniisip. May problema kaya 'to ? Matanong nga.
"Nat ?" Tawag ko sa kanya.
Hindi sya sumagot ni lumingon. Para bang hindi nya ako naririnig o ano.
Sinubukan ko ulit syang tawagin ng ilang beses ngunit wala pa rin akong nakuhang reaksyon galing sa kanya.
Napilitan akong basahin ang isip nya na hindi ko madalas gamitin.
Pakiramdam ko kasi ay tinatanggalan ko sila ng privacy.
Ngunit iba ang sitwasyon ngayon. Kahit cold ako minsan sa kanya ay tinuturing ko pa rin syang tunay na kaibigan. Sya lang at wala ng ibang nagtiyaga sa ugali ko.
Sya lang ang naging sandalan ko dati simula ng mawalan ako ng pamilya.
Hindi nya man alam ang pinagdaanan ko dati, pinilit nya pa ring gawin ang lahat mapatawa o kahit mapangiti lang ako.
Sya ang tumulong sakin na makabangon sa isang masalimoot na nakaraan.
Nang dahil sa kanya ay unti-unti akong nakakapagmove-on.
And seeing her like this, I'm feeling the urge to help her whatever her problem is.
'Sino kaya 'yun ?'
Huh ? Sinong tinutukoy nya ? At bakit parang biglang wala na'kong mabasa sa isip nya ?
Wala na ba syang iniisip ? Hindi. Imposibleng wala dahil maya't maya ay kumukunot ang noo nya at bigla-biglang pipikit na para bang nagcoconcentrate.
Sinubukan ko ulit basahin ang iniisip nya pero wala talaga. Tatangalin ko na sana ang singsing ko para mas magamit ko ang mind reading ability ko ng maayos pero naalala kong hindi pwede dahil mararamdaman nya ang aura ko. Tsaka ko lang din naintindihan kung bakit ayaw gumana ng mind reading ability ko sa kanya.
At isa pa, posibleng me iba pang makaramdam nun kaya hindi ko nalang tinuloy.
Pinili ko nalang na pagalawin ang upuan nya nung saktong me dumaan sa likod nya.
*booggsshh*
"Aray !" Sigaw nya sa sakit dahil nahulog sya sa upuan. Pinaatras ko kase ito kaya nagmukhang hinila nung dumaang lalake---or not ?
At kung siniswerte ka nga naman. *smirk*
NAT's POV
Kanina pa'ko me malalim na iniisip.
iniisip ko yun tungkol sa naramdaman ko kanina habang naghihintay ako ke Yana dun sa Gymnasium.
Naramdaman ko na naman kasi ulit yung aura na yun.
At kagaya ng mga naunang pagkakataon na nararamdaman ko yun, nawawala agad na parang bola (bubble).
Nababahala kasi ako sa lakas nun.