Chapter 4: Meet my room

382 21 2
                                    

YANA's POV

Naglalakad kami ngayon pauwi. Oo, kami. Kasama ko ngayon si Nat.

Pagkatapos ng nangyaring insidente kanina, inaya ko na si Nat na umuwi. Pagagalitan lang din naman kami ng mga teachers dun pag nalaman na nila ang nangyaring kaguluhan sa canteen.

Kailangan ko rin munang dalhin sa ligtas at tahimik na lugar si Nat para makapag-usap kami. Alam kong nakita nya ang ginawa kong pagpapatigil sa kutsilyo kanina. Yun malamang ang dahilan ng pagiging tahimik nya hanggang ngayon. Nagulat siguro sya at nagtataka kung pano ko napatigil yun.

Nagtanong lang sya kanina kung san kami pupunta at sinagot ko lang na sa bahay ko na mas lalong kinagulat naman nya. =,=

Hindi kasi ako nagdadala ng kahit sino sa bahay. Sya lang din naman kaibigan ko eh at di ko pa sya ni minsan sinama sa bahay. Ayoko lang. -.-

At alam kong Nat being Nat, she will surely get loud. Kaya kelangan ko syang dalhin sa  bahay.

Atleast there, she can shout to the top of her lungs without me worrying someone might hear her. Soundproof naman kase ang kwarto ko kaya okay lang.

Andito na kami sa bahay. Binuksan ko na ang specialized door-lock ko. Isang lock na nangangailangan ng susing ako lang ang meron.

Nababalot ng kapangyarihan ang susi ko. Sinadya ko talaga eto para walang ibang makapasok. Gaya nalang ng mga magnanakaw.

May mga importante at mahahalagang bagay kase ako na tinatago dito sa bahay.

Nung nakapasok na kami sa loob, nauna na'kong umupo sa nag-iisang sofa na nasa gilid.

Maliit lang talaga bahay ko.  Isang medyo spacious room lang ang makikita mo pagkapasok. Makikita mo na rin agad ang mini-kitchen ko na nasa gilid lang. May nag-iisang sofa rin ako kung san ako nakaupo ngayon. Kaharap ko lang din ang tv ko na hindi flat screen, mahal e. -.-

Napakunot-noo ako at nilingon si Nat.

Ba't nakatayo lang sya sa harap ng pintuan at nakakunot-noong inililibot ang paningin sa paligid ? (?_?)

NAT's POV

Nakapasok na kami sa bahay ni bestie at nakita kong dumiretso sya sa nag-iisang sofa sa gilid.

Napakunot-noo ako sa nakikita ko ngayon.

Bakit anliit ng bahay ni bestie ? Tsaka san sya natutulog ? Isang kwarto lang 'to na may parang sink sa gilid na may gripo at sa tabi nya e may parang maliit na gas-stove. Do'n siguro sya nagluluto. Sa kabilang side naman ng sink ay may rice-cooker sya na maliit lang din.

"Ba't nakatayo ka lang dyan Nat ?" Rinig kong tanong ni bestie saken.

Humarap ulit ako kung nasan sya. Nakaupo sya sa isang medyo pahaba na sofa at may maliit na table sa harapan nito. May mumurahing tv naman sya sa unahan nito. Ano naman kaya ang mapapanuod sa tv na yan ? Sigurado kasi akong wala 'tong cable.

Sa gilid naman ng sofa ay dingding na ngunit mapapansin mo na parang me apat na hawakan. Medyo malayo ang distansya sa isa't-isa. Me ikalimang parang hawakan pero malayo ito sa apat. Nasa gilid na ito actually ng mini-kitchen nya at naiiba rin ito kasi patayo ito habang yung apat ay pahiga.

"Anong problema bestie ? Hindi ka ba komportable sa liit ng bahay ko ? Pagpasensyahan mo na lang. Ito lang kase ang murang mauupahan dito na malapit sa school." Mahabang paliwanag nya.

Nasa likod ko na pala sya at sinara ang pintuan. Hindi ko namalayan ang paglapit nya, maging ang pintuan ay nakalimutan ko palang isara dahil sa pagtataka ko.

The Golden MajestyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon