A/N:
Ngayon lang nakapag-update. Sensya sa paghihintay (Kung may nag-antay nga >.<)
Dedicated to Whiteflutterby16. The first comment I had, came from her. Thanks Leigh. ^o^
Enjoy ! ^.^
===
YANA's POV
"Andito na tayo !" Sabi ni Nat na nagpalingon sa'kin sa harap.
Napakunot noo ako. Napapadalas ata pagunot ng noo ko nowadays aa. -_-
Yun nga, napakunot noo ako dahil sa pagtataka.
"Asan na yung sinasabi mong Academy ?" Tanong ko kay Nat dahil wala naman akong nakikitang kahit ano sa harapan namin kundi isang cliff.
"Hehe. Hindi mo talaga yun makikita dito sa labas kaya pumasok na tayo. Sumunod ka sa'kin." Nakangiting pahiwatig nya at nagsimulang maglakad palapit sa bangin.
Umapak siya dun sa isang malaking tipak ng lupa na nakausli at walang damo. Balot kasi ng damo ang buong lupain maliban nga dun sa nakausling lupa.
Hahawakan ko na sana siya dahil bigla nalang gumalaw ang tinatapakan nya at lumutang ng mabilis papunta sa kabilang pangpang.
Akala ko'y doon nga sya dadalhin nito ngunit bigla nalang siyang nawala sa paningin ko nung makaabot siya sa gitna.
Sumunod naman akong lumapit dun sa inapakan nya kanina dahil bumalik na eto sa pwesto kanina. Katulad ng nangyari kanina ay bigla ring gumalaw ang lupang ito at mabilis na dinala ako sa gitna at naramdaman kong parang may dinaanan akong isang portal. Malamang isa iyong barrier.
Tumigil ang lupang sinasakyan ko sa isa ring bangin. Bumaba na'ko dun at bumalik naman agad ang tipak ng lupa sa dinaanan nito kanina.
Hinanap ng paningin ko si Nat na nakasakay na pala sa isang malaking ibon. Ang ganda tignan ng ibon dahil sa iba't ibang kulay ng balahibo nito.
Tuluyan na'kong nakalapit kay Nat. Binigyan ko naman sya ng tinging pagod.
"Ba't andaming cheche bureche bago makarating sa Academy nyo ?" Nababagot na tanong ko.
"Sinadya talaga yun para walang basta-basta nalang nakakapunta sa mundo ng mahika na hindi natin kauri" Mahabang sabi nya habang sumasakay ako sa ibon at pumwesto sa likod nya.
Tumango-tango naman ako tanda na medyo naiintindihan ko ang sinasabi nya. Pinalipad nya na ang ibon kaya unti-unti na kaming umaangat.
"Pano pala pag di inaasahang may makapunta sa Invulnerable forest na mortal ? Ano yun, mai-stock lang sila dun habang buhay ?" Tanong ko. Pano naman kasi yun diba ? Hindi malayong mangyari ang ganoong pagkakataon.
"Yun ba ? Okay lang yun kasi 'pag di nila nahanap ang daan palabas dun, ibig sabihin lang nun ay di sila mga mahikero kaya otomatiko silang mababalik sa mundong pinanggalingan nila after a week na parang walang nangyari." Sagot nya na nag-alis ng pagtataka ko.
Hindi nalang ako umimik at tumingin nalang sa ibaba kung saan kita ko ang mga kabahayan. May nakita din akong magagandang tanawin katulad ng malilinaw na batis. May parang kumpulan din ng mga tao na makikita sa isang lugar na marahil ay doon ang market nila dito.
Ilang minuto pa ang dumaan ng biglang tumigil sa pag-abante ang ibon sa harap ng isang napakataas na grills na parang kulungan kung saan kahit nasa himpapawid na kami ay di ko parin maaninag ang dulo nito.
Unti-unti nang bumaba ang malaking ibon hanggang sa tuluyan itong lumapag sa malawak at walang taong lugar na kaharap lang ng gate.
Gate pala yung mukhang kulungan kanina.