YANA's POV
Maaga akong nagising kaya nagluto na'ko ng almusal. Medyo dinamihan ko ang saing dahil baka gaya ko ay mahilig din si Nat sa kanin bilang agahan.
Bumili na din ako ng itlog sa kalapit na tindahan at pinrito para sa ulam.
Nang maluto ang sinaing ko ay ginawa kong sinangag ang kalahati nito. Panigurado lang sakaling ayaw magplain rice ni Nat.
Habang nagluluto ay naramdaman ko ang biglang pagdaloy ng enerhiya ni Nat sa katawan kaya malamang ay gising na sya.
Sakto lang dahil malapit na rin akong matapos.
"Good morning Bestie. Ambango naman nyang niluluto mo." (e_e) Inaantok na puri nya habang papunta sa banyo.
"Morning." Ganting bati ko sa kanya.
Alas syete na ng umaga pero hindi ako nagmamadali dahil sabi nga ni Nat kahapon ay lilipat kami sa school nila sa magic world.
Tapos na'kong magluto kaya naghain na'ko. Inilapag ko ito dun sa study table ko. Wala naman kasi akong ibang lamesa na pwedeng gamitin. Masyadong mababa ang mini-table ko na nasa harap ng sofa kaya dito ko nalang nilapag. Naupo nalang muna ako sa sofa sabay on ng tv.
Ilang sandali pa ay lumabas na si Nat galing sa banyo. Nakatuwalya lang ito. Naligo siguro. Kaya pala antagal lumabas, kala ko tuloy nakatulog na sa loob. =,=
"Uhmm, Bestie ?" Tawag nya.
Nilingon ko naman ito. Itinaas ko ang dalawang kilay ko tanda ng nagtatanong kung anong kelangan nya. Katamad magsalita eh. =_=
"A-ano .. ano kasi .. uhmm" Nagtaka naman ako kung ano ang gusto nyang sabihin. Tinignan ko sya na parang naghihintay.
"Pwedeng ano.. ahmm.. hehe"Binigyan ko sya ng bored look. =,= Hindi pa sabihin e.
"Ano kasi bestie eh. Pwede bang ano .. ahmm, pano ko ba sasabihin to .." Binigyan ko siya ng death glare. ^+_+^
Takte lang ! Masyadong pabitin. Psh
O_O !!!
Nanlaki naman ang mata nya dahil dun kaya "Pwedengpahiramngmasusuot? >.<" Agarang sabi nya.
Eh ? Ambilis magsalita. Hindi ko tuloy naintindihan. =,=
"Ano kasi bestie, nakalimutan ko kasing wala akong dalang damit tapos naligo ako. Pwede bang ano, pahiram muna ng maisusot ? >o< Please T3T" Paliwanag nya.
Psh. Yun lang naman pala, ang tagal pang sabihin. -.-
Ikinumpas ko naman ang kamay ko at nagbukas ng kusa ang closet ko. Ginamit ko ang air power ko. Total yun naman ang alam nyang kaya kong gawin.
"Pili ka na lang. Bilisan mong magbihis para makakain na tayo." Saad ko sa kanya kaya nagthank you naman sya at nagmadaling mamili ng damit.
Nanuod na ulit ako ng tv. Ben 10 ang palabas.
May mga ganyan kayang creatures dun sa magic world na sinasabi ni Nat ? Kung meron man, sana magkaron ako ng pet na gaya ni Asmoth. hihi. Ang cute eh. XD
Speaking of pet, biglang tumalon si Noel sa sofa at pumatong sa hita ko. Kung nagtataka kayo kung bakit Noel ang pangalan nito, ako rin. =_=
Nakita ko lang naman ang asong 'to sa sementeryo dati nung araw ng libing ng mga kumupkop sakin. May nakalagay nang pangalan na Noel sa collar nito. Sinubukan kong bigyan ng ibang pangalan pero nagagalit sya kaya yun nalang ang tawag ko sa kanya. ~.~
Hmmm. Pwede ko kayang isama 'to sa magic world ? Kawawa naman kasi kung iiwanan ko 'to dito.
===