UNTITLED

3 0 0
                                    

UNTITLED

Pagod akong umuwi galing sa eskwela. Medyo gabi na at sa tingin ko ay higit alas sais y medya na din. Dahan-dahan akong pumasok sa pintuan ng aming bahay. Walang tao sa sala at wari ko ay wala ring tao sa kusina. Malamang nasa sugalan na naman ang aking nanay at tatay.

Madali akong pumasok sa aking kwarto at binaba ang sakbit na bag. Naghubad na ako ng aking uniform at natira lamang sa mga damit panloob. Nahiga ako sa kama ko ng ilang minuto at nagpahinga.

Ilang minuto din ay bumangon na ako at nagpasya na kumuha ng damit pampalit nang madaanan ko ang whole body mirror ko.

Pinagmasdan ko ang tiyan ko na unti-unti ng lumalaki.

Pigil ang luha ay ngumiti ako ng mapait.

Nang biglang may pumasok sa pinto ko. Hindi ko inaasahan na meron siyang dalang alak sa kanyang kamay. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Ipalaglag mo ang bata..." Bulong niya sa akin.

Tuluyan ng tumulo ang luha na nagbabadya sa aking mga mata.


Walanghiya ka talaga, tsong.

ONE SHOT COMPILATIONWhere stories live. Discover now