NOT A LOVE STORY

7 0 0
                                    

NOT A LOVE STORY

"Nagkakilala ang lola ko at lolo mo noong ang lola ko ay labin-pitong taong gulang samantalang ang lolo mo ay labindalawang taong gulang.."

"Yung lola ko, anak siya ng kapitan sa barangay samantalang ang lolo mo naman ay isang hardinero lamang. Sa pagkakatanda ko, naging magkasintahan sila. "

"Lolo ko? Hardinero?" Tanong ng lalaking kaharap ko.

Tinanguan ko lang siya, "Yung lola ko, likas na maarte. Yung lolo mo, okay lang. Kwento sa akin ni lola, masyado daw siyang maganda para ligawan ng isang hardinero tapos..kinulit daw siya noon hanggang sa mapa-oo nalang siya."

"Talaga?" Tanong ulit nito.

"Oo kaya pede ba tumahimik ka muna? Hindi ko ito itutuloy..." Pananakot ko sa kaniya.

"Sorry." Sabi niya.

"Nung piyesta ng bayan, binigay ni lola ang matamis niyang 'oo' sa iyong lolo. Nagsama sila pero sinikreto lang nila ang kanilang relationship. At dahil walang secret na nabubunyag, nalaman ng kapitan ang relasyon nila."

Natawa ako ng mapakla, "Pinaghiwalay sila. Ang lola ko, pilit na ikinasal sa iba at look, siya ang ninuno ng pamilya namin. Samantalang ang lolo mo, nag-aral ng medisina. Bakit? To prove that he is worth it, pero hindi siya umabot kasi nga kinasal na ang lola ko."

"And then, sabi ni lola nagkakausap pa din daw sila. Minsan, gusto nilang magbalik tanaw sa kanilang pinagsamahan pero pag iniisip nila ang asawa ni lola, pakiramdam nila, niloloko nila ito." Huminga ako ng malalim bago lumingon sa kaniya

"Nanatiling tago ang pag-ibig nila, well technically speaking hindi naman nawala ang pag-ibig nila para sa isa't isa e. " Sabi ko.

"Kaya pala," napatango siya sa kaniyang sarili. "kaya pala kahit na may pamilya na si lolo, ayaw na ayaw niyang tanggalin ang painting sa kaniyang kwarto."  Sabi niya sa akin.

"Aling painting?" Tanong ko naman.

Puno ng kyuryusidad na tumingin ako sa kaniya.

"Painting. Magkahiwalay kasi si lola ko at lolo ko ng kwarto. Hindi naman kasi minahal ni lolo ang lola ko. Doon sa kwarto ni lolo, may painting ng isang babae roon, maganda at balingkinitan ang katawan. Maganda ang ngiti niya." Sabi niya sa akin.

"Alam mo ba kung ano ang sinabi ng lola ko at lolo mo nung mawalan ng hininga ang lola ko?"

"Ang sabi ng lolo mo, "hindi ko nagawang magmahal ng iba kahit kinasal ako. I never did". At ang sabi naman ng lola ko, "hindi ko din nagawang magmahal ng iba kahit pilit na kinasal ako. Hindi ko kinalimutan ang pag-ibig ko, I never did"".

"Bakit nga ba nagkrus pa ang landas ng pamilya natin?" Tanong ko sa kaniya.

Agad naman niya akong sinamaan ng tingin.

"Hello, may girlfriend ako at higit sa lahat, model!" Sumbat niya.

"Hello din, kasi meron din naman akong boyfriend, Isa lang namang Lawyer ng sikat na Law Firm sa States!" Singhal ko naman.

"So, ano? Anong plano?" Tanong niya

Ako si Selina, isa akong artist—mahilig mag-paint, ganun. Galing ako sa isang mayaman na pamilya,ay kompanya at higit sa lahat, under ng daddy. Ang hirap lang talaga makipag-argue sa tatay no?

Siya naman si Jino, isang nurse. Sa pagkakaalam ko, nagtatrabaho siya sa mismong ospital nila.

At ano ang problema namin?

ONE SHOT COMPILATIONWhere stories live. Discover now