KUYA, ANONG SA INYO?

2 0 0
                                    

KUYA, ANONG SA INYO

Irita akong nagbihis ng damit at nagsuot ng apron dahil sa kay mama. Dapat kasi ay meron akong lakad na pupuntahan, bibisitahin ko sana yung mga barkada ko kaso sabi ni mama bawal daw akong umalis.

Suot-suot ang apron ay lumabas ako ng nakasimangot.

Paano ba naman kasi?! Ayaw ko nga magtinda sa karinderya ngayon!

Andami ko ng reason! Sinabi ko na naghugas ako ng plato at naglinis naman ako ng bahay pero ewan ko ba at hindi pa din ako pinayagan.

"Huwag ka ngang sumimangot. Kaya walang natutuwang customer eh!" Sabi ni mama sa akin. Nilingon ko lang siya at inirapan.

Sino ba naman kasi ang matutuwa?

18 years old na ako, dapat may boyfriend na ako pero di naman payag si mama. Single mom kasi siya. Iniwan siya ng papa ko bago palang ako ipanganak. But still, mahal ako ni mama. She even named me 'miracle'.

"Mira? May bagong dating." Sabi niya.

Nilingon ko ang pinto at nagdatingan ang mga estudyante.

Agad kong kinuha ang maliit na papel ni mama na sulatan ng order ng customers at lumapit ako sa kanila.

"Hello, ano pong kakainin niyo?" Tanong ko sa kanila.

Nginitian nila ako bago sumagot. Nang makuha abg order nila ay agad ko iyong binigay kay mama at agad rin naman niyang sinunod. Ilang minuto ay inutusan na niya akong ibigay iyon sa mga estudyante.

Dinistribute ko na ang pagkain nila at pagkatapos ay pumunta ako sa may counter.

Pinagmasdan ko ang lugar namin. Medyo may kalakihan ang inuupahan namin na pwesto. Buti nalang hindi kami nauubusan ng customer.

"Kumare? Ay naku, ikaw na nga!" Sigaw ng isang babae na siguro ay nasa 40's kasama ng isang lalaki na siguro ay nasa 40's na din.

"Ay jusko, Mirabel. Ikaw na ba iyan?" Tanong ni mama dito.

"Ay oo naman. Gulat ka ano? Naganda na kasi ako e!" Sambit nito kay mama.

"Iba din talaga pag makapal ang mukha ano?" Saad ni mama na kinatawa ko.

Syempre, patago lang.

"Napadaan kayo?"

"Oo, gutom na kami e. At saka, kakausapn namin yung anak ko-"

"Natin." Saad ng lalaki.

"Ay oo, natin. Ano kasi.. uhm may pag-uusapan lang na importante, dito nalang namin naisipan." Sabi ulit ng babae.

"Ganun ba?" Tanong ni mama.

"Oo. Ay kumare, gusto ko ng menudo tsaka isang kanin," she paused. "Ikaw, anong sa iyo?"

"Same." Sabi ng lalaki.

Agad umalis si mama at lumapit sa akin.

"Miracle, bale dalawang order ng menudo at dalawang kanin." Sabi ni mama sa akin.

"Kumare? Anak mo ba iyan? Ang ganda naman!" Sigaw ng babae.

Napa-tuck in tuloy ako ng buhok dahil doon.

"Ay nako, kumare wag mong sasabihan ng ganyan si miracle, nalaki ang ulo oh!" Sigaw pabalik ni mama.

Binigay na ni mama ang order ng dalawa at bumalik sa kusina. Ako naman ay naiwan sa counter. Ilang minuto ang lumipas ay napag-isipan ko na maglimpis ng kalat at pinagkainan ng mga customer.

ONE SHOT COMPILATIONWhere stories live. Discover now