HI, STRANGER

2 0 0
                                        

HI, STRANGER

"Mama, friendship over na kami!" sambit ko sa kay mama habang siya ay yakap ko.

"Sabi ko naman kasi sa'yo, magtira ka ng pag-ibig para sa sarili mo." Sabi niya sa akin.

Patuloy akong umiyak sa yakap niya hanggang sa nakatulog na ako dahil sa pagod.

___________________________

Kinabukasan, paga ang mata ko pero maagap pa rin akong pumasok. Ayoko na makita si Jackson, ang boybestfriend na iniyakan ko kagabi.  Actually, kaklase ko siya kaya 'di ko alam kung maiilang ako o malulungkot kapag nakaharap ko siya.

Bakit nga ba ako umiyak?

Hmm...kasi binalewala niya ako. Binalewala niya ako dahil sayo, nawalan na ng saysay— ay joks nakanta na pala ako.

Pero seryoso, pinili niya kasi na i-friendship over nalang namin e. Meron na kasi siyang girlfriend. Pinagseselosan yata ako, pero hindi bale na.

Past is past.

Ay shet, past agad. 10 hours ago lang ang lumipas nung F.O. eh.

Tinaboy ko na ang thoughts na iyon at dumiretso ako aa rooftop. Buti kami mah rooftop, bat kayo walang label?

Joks.

Pagkarating ko doon ay kinuhanan ko ng litrato ang view para i-send iyon sa secretary namin. Wala lang, baka kasi lagyan niya ako ng late or absent e. Alas-otso pa naman ang simula ng klase eh.

Nanatili akong nakatingin sa view. Nadami na ang estudyante. Ni-refresh ko ang isip ko at pagmulat ko ay saktong tumama ang paningin ko kay Jackson.

Don't get me wrong, I don't have a feeljngs towards him. It's just that, nakakalungkot na maiiwan na lang sa likod yung memories. Baka sa pagdaan ng panahon, mapapakanga nalang ako ng 'memories bring back, memories bring back you.'

__________________________

Napagpasyahan ko ng bumaba ng pakita ko na malapit ng mag-7:30. Pinagpagan ko muna ang palda ko.  Kulay orange pa naman iyon.

Hay grabe, sumakit bigla ang puson ko.

Habang naglalakad pababa ng hagdan, nakaramdama ko ng yabag sa likod ko.
Teka, may kasama ba ako all the time?

Hala, baka otlum yan!

Tumakbo na ako pababa. Grabe ang sakit talaga sa puson, ang sakit din sa dibdib tumakbo. Kinig ko mabilis na yabag ng nasa likuran ko, natakbo din mga bakla!

"Aaaah! Pede ba huwag mo kong habulin! Payag na ako na aso ang hahabol sa akin, wag lang otlum!" Sigaw ko.

Nakaabot ako sa entrance pero bigla akong hinigit ng lalaki.

Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataon na makita ang mukha niya.

Parang tumigil ang mundo ng makita ko ang mata niya. Growing up, I always dreamt to have a blue eyes pero pinay ako e. So no choice.

"Done praising me?" Sambit nito.

Para naman akong nanlambot sa sinabi niya, ang husky ng boses.

Why am I staring? Tanga!

Hinubad niya ang jacket niya.

"Aah- rape! Rereypin mo ba ako?" Tanong ko sa lalaki.

"May tagos ka." Sabi niya.

Hinapit niya ang bewang ko at itinali iyon para matakluban ang tagos sa palda ko.
Kaya ba nasakita ng puson at dibdib ko?!

"Salamat..." Sabi ko sa kaniya.

Grabe ang pogi talaga niya.

"Huwag mong akong titigan, bakla ako." Sabi niya ag nauna na siyang lumabas sa entrance door.

ONE SHOT COMPILATIONWhere stories live. Discover now