I LOVE YOUR ACCENT, SAY IT AGAIN

5 0 0
                                    

I LOVE YOUR ACCENT, SAY IT AGAIN.

Nagmamadali akong pumasok sa aming classroom. Jusme, nakakahiya naman. Late na naman ako. Dahan-dahan akong naglakad ng nakayuko para hindi ako mapansin ng teacher pero di ata sumang-ayon ang tadhana kasi natapakan ko yung empty water bottle. Nag-cause tuloy iyon ng ingay.

Patay!

"Miss Dela Cuestro?" Tawag ng teacher sa harapan.

Mariin kong pinikit ang mata ko dahil sa pagkainis.

"You must be Miss Dela Cuestro? Ikaw nalang ang wala pang check sa attendance."

Nilingon ko ang teacher ko sa harapan at oh my-

"Y-yes sir. Ako po yun." Nauutal kong sambit.

Hala ba't ampogi naman nito? Lord, sana sa akin nalang siya. Kung hindi, please paki-pilit.

"Miss Dela Cuestro?"

Shemay, ang fit naman ng teacher's uniform niya. Muscles, uwu.

"Miss Dela Cuestro? Please sit down. Mangangalay ka." Sabi ni sir na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

Dali-dali naman akong tumango sa kaniya at madaling umupo sa vacant seat.

Ilang minuto lang ay nagsimula ng mag-discuss si sir ng kanyang lesson. Hindi ko tuloy maiwasan na mamangha.

Ang clear niya mag-turo tapos ang husky din ng boses niya. Guys, pang-wattpad na ata buhay ko ngayong buong pasukan.

Pinakita niya sa screen ng TV ang sasagutan namin kaya naman agad ko iyong tinapos. Actually, madali lang naman. Pinahanap niya lang sa amin ang definitions at dahil bestfriend natin si Kumareng Merriam, napadali ang trabaho.

"Who wants to read and give the definitions?" Tanong niya at kalahati ng kababaihan sa classroom ay nagtaas ng kamay.

Hindi ako nagtaas. Ayoko nakakahiya.

Pumili na si sir ng limang sasagot. Pumili din siya ng mga lalaki.

Hindi ba't late ako kanina? Magsagot kaya ako para pa-good girl ako sa kaniya?

Agad akong nagtaas ng kamay. Agad din naman niya akong napansin kaso nakapili na pala siya para sa last number.

Ay wao, sabaw.

Pahiya ako ng slight.

"Yes, Miss Dela Cuestro?" Tanong niya.

"Ah, w-wala po sir hehe." Sambit ko

Nanatiling nakaupo ang mga kaklase ko na pinili niya.

"Okay, so what about Miss Dela Cuestro to read the given words? Right, Dela Cuestro?" Para bang may nakita akong kakaibang ngisi sa kaniyang labi.

"Y-yes sir...uhm-"

Teka ano ba ito? Silhoutte? Hala, paano yun i-pronounce?!

Huminga ako ng malalim at lumungon sa TV na nasa unahan.

"Number one, silhoot-"

Agad kong narinig akong tawanan ng mga kaklase ko. Nilingon ko ang paligid ko at kuta ko ang pagpalo nila sa kanilang arm chair dahil sa tuwa.

Ano ba kasing tama?

Silhoot? Silho-outte? Ano?!

"It's silhoutte-pronounced as sil'ōō•et'." at nakisabay siya sa tawa ng iba.

"I love your accent babe, say it again?" Sabi niya sa akin at kinindatan ako.


Muntik ko ng makalimutan, boyfriend ko pala si sir.

ONE SHOT COMPILATIONWhere stories live. Discover now