"Cheil, are you ready?"
Sinubukan kong tumango bilang sagot sa tanong ni mama.
Papunta na kami ngayon sa hospital na nirecommend sa amin ng kaibigan ni papa sa US. It's been months already since we came here. Iba't ibang test at check up ginawa sa akin para malaman kung pwede na ako mag-under go sa surgery. May mga cases daw na mahaba ang gamutan. Ilang eye surgery ang gagawin bago bumalik ang paningin. Sabi ng doctor may chance na ganun din daw ang sitwasyon ko.
Tahimik lang ako habang nakahiga sa hospital bed. Nakakatawang isipin kung paano ang kulay ng hospital ay sumasalamin sa nararamdaman. I feel so dull and at the same time empty. I don't feel like I'm living but more on surviving.
Ilang buwan na din ang nakalipas simula ng makipag-break ako kay Raven. After that, we went to US and I decided to cut all my connections with the people I know sa pilipinas. I think it's better that way.
I don't want to say goodbye to them so I chose to walk away. I don't know what happened to Tyra, Gio, Madz and even Raven. I refused to hear news about them.
May mga pagkakataon naman na umiiyak ako sa tuwing naaalala ko sila pero 'yun din 'yung panahon na kailangan kong matutunang punasan ang sarili kong luha. Akala ko kayang pagaling ng oras ang mga sugat pero hindi pala kasi hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako sa mga bagay na hindi ko na pwedeng gawin dahil sa hindi na ako makakita.
Raven is a great guy. I know someday he'll someone na mamahalin siya higit sa pagmamahal ko sa kaniya. Sabi nga nila, mga bata pa naman kami. Marami pa kaming makikilala. I want to convince myself na tama nga sila.
"Do you want something to eat? I'll buy you foods."
"Kahit ano na lang po, ma." Sagot ko sa kaniya.
Marami na ding naisakripisyo sila mama at papa para sa akin. Trabaho nila, mga kaibigan, oras at panahon. Pakiramdam ko ang selfish ko kasi lati sila kailangan maghirap dahil sa akin.
Ilang sandali lang nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. Sa totoo lang, kulang na lang maging bahay ko na 'tong hospital sa sobrang dalas ko dito.
"Feeling good?"
Nang marinig ko ang boses ni papa ay agad akong napangiti. Siguro marahil kamukha ko si mama pero marami naman akong namanang ugali ni papa. Maraming beses na nagsasabi si papa ng kung ano-anong jokes para patawanin ako.
"Bakit ang toyo may pasa?"
"Kasi nasa pack." Sagot ko sa joke niya.
Narinig ko ang halakhak ni papa na nangibabaw. Hindi ko alam kung tatawa din ba ako kahit na sobrang luma na naman ng joke niya.
"Grabe! Anak talaga kita. Akalain mo 'yun, alam mo din 'yung joke na 'yun."
Napangiti na lang ako sa mga sinasabi ni papa sa akin. Alam ko namang nag-eeffort siya na patawanin ako.
"Hindi lang ako nakakaalam ng joke na 'yun, pa. Sobrang luma na kaya nun."
Biro ko sa kaniya.
"Eh 'di ito na lang. Anong tawa sa maliit na tsunami?"
Hinantay kong siya mismo ang sumagot sa joke niya.
"Eh 'di tsunano!"
Tumawa na naman siya mag-isa. Samantalang, napatahimik lang ako. Miss ko na sila mama at papa kahit na araw-araw ko silang nakakasama. Gusto ko na kasi silang makita ulit tulad ng dati.

BINABASA MO ANG
Relationship Request (RS #1)
Novela Juvenil(Request Series 1 of 3) Cheil Hussein Soliven made a in a relationship request to Raven Clyd Arevalo -the famous yet snob student in their school. Will Raven accept her request and let her come into his life or will he decline and continue living a...