Epilogue 1 of 3

1.7K 25 14
                                        

"Are you okay?" Ito 'yung palaging tanong ng mga tao na nasa paligid ko.

As much as possible, I didn't want to answer them kasi hindi ko naman alam kung okay ba ako o nagpapanggap lang na okay.


It's been a year already since I lost my sight. Simula nun pabalik-balik na kami sa hospital to have a check-up and see kung may pag-asa pa ba akong makakita. I refused to hear the diagnose of the doctors. Natatakot akong marinig na wala ng pag-asa pa na makakita ako.


Sa loob ng isang taon, marami nang nagbago. Napilitan akong tumigil sa pag-aaral kahit na labag sa kalooban ko. Si papa naman ay busy sa trabaho at panay ang overtime para lang may maipon kaming panggamot at si mama, kahit hindi naman niya sabihin alam kong pagod na din siya. Gabi-gabi kong naririnig ang pag-iyak niya sa kwarto nila at sa mga gabing 'yun hinihiling ko na sana panaginip na lang ang lahat.


Dahan-dahan akong tumayo mula sa higaan ko.  Binigyan nila ako noon ng tungkod dahil sa pagkabulag sanhi ng aksidente noon pero sinusubukan kong hindi ito gamitin. Gusto kong bumalik sa dati pero kahit anong gawin ko, wala na. Ito na talaga ang sitwasyon ko.



Sinubukan kong kapain ang mga nadadaanan ko para hindi ako mabangga pero hindi ko napansin ang    mga babasagin na bagay sa gilid ko. Narinig ko ang pagbagsak nito sa sahig at naramdaman ko din ang pagtalsik ng mga piraso nito sa paa ko.



Agad-agad na nakarinig ako ng mga yapak papunta sa kinaroroonan ko at narinig ang boses ni mama.

"Cheil, anong nangyari?" She asked me.

"I'm sorry, Ma." Hindi ko alam kung para saan ba ang sorry ko.



Sorry kasi nahihirapan na sila dahil sa akin o sorry dahil nakabasag na naman ako ng gamit. Ramdam ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ko pero agad ko naman itong pinigilan. Ayokong umiyak sa harap nila mama o ng kahit na sino. I've been holding my tears for a year now, para naman hindi sila masyadong mag-alala sa akin.


"Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" Nag-aalalang tanong niya habang hawak niya ako sa braso.

Tanging iling lang ang naging tugon ko sa kaniya.


"Next time, kung may kailangan ka sabihin mo agad sa amin ha?" Marahan na sabi niya sabay hagod sa pisngi ko.


"Ayos lang ako, ma." Hindi ko pa rin alam kung kanino ko sinasabi ang mga salitang iyon.


Sa mga taong nagtatanong ba o sa sarili ko mismo? Hindi ko na din alam.


"Nandiyan si Raven sa baba. Hinihintay ka. Halika, sasamahan na kita pagbaba." Kahit hindi ko siya makita alam kong nakangiti siya habang sinasabi iyon.

Nang makarating ako sa baba ay agad na narinig ko ang boses ni Raven na papalapit sa akin.

"Good morning, love." Bungad niya sa akin.


Sa loob ng isang taon ay palaging nandiyan si Raven sa tabi ko. May stable na trabaho na din siya sa ngayon at sa tuwing wala siyang pasok ay nagyayaya siyang lumabas kasama ako.

"You're ready?" Tanong niya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya nang maramdamang ang kamay niya sa braso ko habang inaalalayan ako papunta siguro sa sasakyan niya.



"I'll tell you later." Pagkatapos niya ito sabihin ay nakarinig ako ng tunog ng makina.


Habang nasa byahe kami ay nakikinig lang ako sa mga kwento niya. Isang taon lang ang lumipas pero bakit sobrang dami naman ata ang nagbago?



Relationship Request (RS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon