75

1.3K 25 0
                                    

| 7:45 pm |



Cheil Hussein:
Tyra, ayos ka lang ba?



Tyra Sydney:
Oo naman. Bakit?



Cheil Hussein:
Para kasing ang tamlay mo simula nung umuwi tayo galing Batangas

Tapos hindi ka pa pumasok ngayon



Tyra Sydney:
Ayos lang talaga ako, Cheil

Medyo hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ko

Iinuman ko na lang 'to ng gamot tapos mawawala na din



Cheil Hussein:
Okay

Pagaling ka



Tyra Sydney:
Salamat, Cheil

Kamusta na pala panliligaw sa'yo ni Raven?



Cheil Hussein:
Hahahaha parang sira 'to

Kinikilig tuloy ako bigla

Hatid sundo niya ako be

Medyo nakakahiya nga eh, pero sabi niya ayos lang naman daw sa kaniya

Hindi pa rin ako makapaniwala

Parang dati, tinitignan ko lang siya sa malayo pero ngayon tumitingin na din siya pabalik sa akin

Nagpaalam na din naman siya kila Mama at Papa kaya ayos lang



Tyra Sydney:
I'm happy for you

You really like him huh?



Cheil Hussein:
Oo naman

Dati crush crush lang naman

Pero habang tumatagal, nagiging malalim na din 'yung nararamdaman ko para sa kaniya



Tyra Sydney:
Just don't forget to love yourself okay?

H'wag mong hayaang makalimutan mo ang sarili mo dahil lang sa minahal mo siya



Cheil Hussein:
Tyra, ikaw ba talaga 'yan?

Bakit ang seryoso mo? Para ka namang si Madz niyan

S'yempre hindi naman porket gusto ko siya, sasagutin ko na agad siya. Kaya nga nililigawan niya ako para mas makilala pa namin ang isa't isa

Ayos ka lang ba talaga, Tyra?



Tyra Sydney:
Hahaha sorry na-carried away lang



Cheil Hussein:
Kung kailangan mo ng kausap, andito lang kami ni Madz, okay?


Tyra Sydney:
Salamat

I'll take note of that

Relationship Request (RS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon