81

1.1K 27 0
                                        

| 10:35 pm |


Cheil Hussein:
MAAAAAAAADZ!

Bakit hindi ka nag-oonline sa messenger?

Palibhasa lumipat ka na ng school, 'di mo na kami pinapansin

Hindi mo ba kami namimiss ni Tyra?

Wala na kaming mapagtanungan kapag nahihirapan kami sa ibang subject

Nakakamiss din pagtataray mo hahaha

Balita ko maraming pogi diyan ah?

H'wag kang madamot, Madz. Ibahagi mo naman sa kaibigan mo 'yang magandang tanawin diyan kahit kay Tyra na lang kasi may Raven na naman ako hehehehe

Oo nga pala, may tatanong pala ako

Alam mo ba 'yung Morse code?

'Pag nag-OL ka na at nabasa mo 'to, pakisabi naman sa akin kung anong ibig sabihin nito ah?


. .       - -   . .   . . .   . . .       - . - -   - - -   . . -


Ayan. Pm mo sa'kin agad kung alam mo 'to ah?

Salamat, Madz! Miss you na kahit lagi kang galit hahahahaha

Relationship Request (RS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon