For Always: Two

83 10 19
                                    

"Hoy! Tigilan ninyo yan!" 

Nang may sumaway, agad nagtakbuhan ang mga estudyanteng ni lait ako kanina matapos sabuyan ng tuyo ang pagmumukha ko.

"Batchoy!"

"Tabachoy!"

"Baboy!"

"Taba Lechon!"

Simula nung pagmulat ko, naging normal at nasanay na ang tenga ko sa mga panlalait sa paligid na araw-araw ko narinig sa kadahilanang mataba ako.  

"Tulungan na kitang tumayo." May nag-abot ng kamay sa akin. Dinungaw ko kung sinong may-ari niyon. Isang binatang lalaki na sa tansya ko ay may tanda sa akin na isa o dalawang taon. 

Siya yung sumaway sa mga kapwang bata nanlalait sa akin kanina. 

Nang nakatayo na ako, pinagmasdan niya ako habang pinagpagan ang mga alikabok sa likurang bahagi ng saya ko. Buti gabi na, hindi na halata ang dumi sa damit kung meron man akong hindi napagpag. Pero ang sakit ng balakang ko.

Maya-maya ay nag-abot din siya ng puting panyo galing sa bulsa ng pantalon niya. Siguro napansin niya ang sinaboy na toyo sa mukha ko.

"Salamat." Ngumiti at tinanggap ko iyon bago bahagyang tumagilid para punasan ang aking mukha. "Pasensya na, naabala pa tuloy kita." Nasulyapan kong natapunan din ng kaunti ang puting upper ng school uniform ko naikinabahala ko dahil pahirapan na naman sa paglaba nito.

Akala ko hindi ko na mararanasan ang matukso ngayong nasa unang taon na ako ng hayskul.

Dahil sa kalakihan ng katawan ko, madalas akong nakaranas ng mga panlalait mula sa ka-edad ko. Sinubukan ko namang magpapayat kahit konti lang pero ang hirap. Ang sarap ng mga pagkain laging hinahanda ni mommy.

Mula sa panlalait na natatanggap ko, pahirapan rin akong makahanap ng kaibigan lalo na nung nasa elementarya pa lang ako. Kung lahat sila naghahabulan at naglalaro sa labas ako ay nasa sulok lamang—kontentong pinagmamasdan sila. Kapag kasi nakipaglaro ako, panunukso lang ang aabutin ko dahil sa mabilis lang ako mapagod.

May mga gusto rin naman makipagkaibigan sa akin lalo na kung kasisimula pa lang ng klase at sobrang saya ko noon. Pero sa sumunod na araw, hindi na nila ako pinapansin. Nalaman ko na lang, na lumalayo sila sa akin kasi binu-bully na rin sila kasi kinaibigan nila ako.

Kalaunan, natakot na akong magkaroon ng mga kaibigan. Mas pipiliin ko na lang mapag-isa kaysa may madamay at masaktan pang ibang tao dahil sa akin.

Kung hindi lang naging makulit si Sonny noon, paniguradong wala na talaga akong kaibigan.

"Ako pala si, Nel." Nilahad niya ang kanyang kaliwang kamay sa akin para magpakilala. 

Pinagmasdan ko ang lalaki na hindi ko inakalang dadating. Nakangiti na ito ng maganda sa akin. Kumikinang ang mga mata niya. Nararamdaman ko na ang gaan niyang kasama at mabuti siyang tao.

Nang hindi ako kumibo, napakamot siya sa likod ng ulo niya. Bigla akong nahiya sa hindi agarang pagkibo. Baka akalain niyang bingi ako. Hindi ko tuloy na pigilan ang pag-init ng mukha ko.

"Ele pala." Inabot ko ang nakalahad na kamay niya at marahang nakipag-kamay.

Ako pa nga ang dapat mahiya. Naabala pa tuloy siya sa pag tulong sa akin.

Binigyan niya ako ng isang nakakagaan na ngiti. Walang panghuhusga sa mga mata niya. Parang ordinaryong bata lang ako sa paningin niya. Tinanong niya ako kung lalabas na ba ako ng campus.

Kalaunan, sabay kaming naglakad dalawa patungong labas. Pauwi na rin pala si Nel. Nakayuko lang ako habang sabay kami naglalakad. Na kwento niya na nadaanan lang niya ako kanina na inaaway ng mga kamag-aral namin. Bagong lipat din pala sila ng pamilya niya dito sa lugar namin kaya hindi siya pamilyar sa akin. 

"Salamat pala sa panyo mo, ah. Nadumihan pa tuloy. Lalabhan ko lang muna," ngiting wika ko.

"Okay lang. Wag mo nang alalahanin." Lumingon siya sa kaliwat kanan. "Meron ka bang sundo?" tanong niya nang narating na namin ang exit gate.

Kaunti na lang ang mga nakaparadang sasakyan sa labas ng school. Ilan doon ay mga sasakyan o hindi kaya sundo ng mga athlete o mga student leaders na may hinahandle na school organization. 

Hinagilap ko muna kung nasaan na ang SUV ni kuya. Nag-text na kasi siya kanina na nasa labas na siya naka-parking.

"Ayun! Si Kuya!" masiglang sabi ko sabay turo sa sasakyan ni Kuya Jhon sa may gilid. 

"Ah, sige. Una ka na hihintayin ko lang ang daddy. Nice meeting you, Ele," nakangiting saad niya. Napakamot ulit siya sa likod ng ulo. 

"Ako rin. Nice meeting you. Ingat ka sa pag-uwi, Nel." Nakangiting kaway ko sa kanya. Tumakbo patungong sasakyan ni Kuya. Ang awkward na tuloy.

Agad akong pumasok sa passenger seat ng sasakyan. Nadatnan ko ang panunudyung ngiti ni Kuya Jhon. "Sino yun, Ele?" Inirapan ko lang siya. 

"Whoa my 13 year-old pretty sister already knows how to roll her eyes."

Hindi talaga ako titigilan ni kuya kung hindi ko ikukwento sa kanya kung sino si Nel 

At kung magkamali lang ako ng sagot, siguradong hindi lang panunudyo ang aabutin ko sa kaniya.

"Schoolmate, kuya," maikling paliwanag ko at wala na akong balak dagdagan pa kung paano kami nagkakilala. Sa kaniyang narinig mas lumaki ang  ngiti niya. Napa-irap uli ako. 

Ma-issue na tao si kuya.

For AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon