Nabitawan ko ang bitbit kong paper bag na may lamang pagkain nang nakita ko ang mga doktor at nurses nagsisi-unahan patungong ICU kung nasaan si Nel.
"Ele, gising na ang anak ko." Agad akong niyakap ni tita na siyang galing sa kwartong iyon.
"Kumusta ang anak ko po, doc?" agad na tanong ni Tita Nelly nang lumabas ang isa sa mga doctor na tumingin sa kalagayan ni Nel. Dinaluhan naman siya ni Tito Ben.
"Ginawa namin ang lahat ng aming makakaya. Ngunit ang kaliwang bahagi ng kanyang puso ay lubos nang nakompromiso at huwag sanang bumigay ang kanan habang naghihitay tayo ng bagong puso. Ang ating magagawa muna sa ngayon ay panatilihing komportable ang pasyente."
Agad kong narinig ang iyak ni Tita habang akap siya ni Tito Ben.
Nanghina ang tuhod ko at tila nabingi ako sa sinabi ng doktor. Muntik na akong natumba kung hindi lang ako inalalayan ni kuya.