For Always: Ten

34 5 2
                                    

Tahimik akong pumasok ako sa kwarto at ma-ingat na hinawakan ang kaliwang kamay niya. "I'm sorry."

Ngumiti siya. "Wala kang kasalanan."

"I should have known earlier."

"Pinili kong huwag ipaalam sayo. Wala kang kasalanan." Gumalaw siya ng konti na agad  ikinabahala ko. Ngumiti siya. "Can you help me sit?"

Binitawan ko ang kamay niya at Inalalayan siyang umupo sa pwestong gusto niya. Iniisip na comportable siya sa ganoong posisyon.

"M-mukhang hindi na matutuloy ang plano." 

"Matutuloy—"

"Ele—"

"Makakahanap tayo ng bagong puso. Gagaling ka. Lalabas ka sa ospital. Magpapakasal—"

"Ele—"

"Gagaling ka. Gagaling ka. Lalabas tayo dito—"

"Listen."

"Hindi! Hindi!" Tuluyan na akong napahagulhol. Hinawakan niya ang mukha ko inalis niya ang mga luhang patuloy umaagos. "I'm sorry nasaktan kita ng ganito."

"Magpagaling ka. Nandito na ako lalaban tayong dalawa. Huwag mo muna akong iwan. Bubuo pa tayo ng pamilya di ba?"

Ito yung pinaka-kinatatakutan ko. Baka sa susunod na araw pagkagising ko o sa susunod na oras wala na si Nel. Paano kung wala na ang taong pinakamamahal ko.

Pinilit niyang ngumiti at patuloy tinuyo ang mga luha kong hindi na ma-awat sa pagbuhos.

"Lagi mong tatandaan, Ele. Mahal na mahal kita."

For AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon