"Kape." Napabalik ako sa reyalidad ng narinig ko ang boses ni Kuya John.
"Kuya," mahinang sambit ko bago kinuha ang isang tasang kape na nasa kamay niya.
"Kumusta na si Nel?"
Binigyan ko siya ng tipid na ngiti. "Natutulog pa rin."
Namalayan ko na lang na ginalaw ni Kuya John ang baso na nasa kamay ko kapagkuwan nilagay niya iyon sa bakanteng upuan sa tabi. Sinandal niya ako sa dibdib niya. "Paano kung hindi na siya magigising, Kuya?" Doon na ako humagulgol.
Paano ako?
"Magpakatatag ka. Para kay Nel." Marahang tinapik ni kuya ang balikat ko. "Nandito lang lagi si kuya hinding-hindi kita pababayaan."
Matagal nang alam nina tito at tita na merong sakit sa puso si Nel. Sanggol pa lamang siya nang nadiskubre nila mula sa maselang pagbubuntis ni Tita Nelly.
Gusto man nilang ipaalam tungkol sa karamdamang iniinda ng anak ngunit hiniling mismo ni Nel na huwag sabihin lalo na sa akin.
All this time he was suffering all by himself even though I was just beside him.
I felt so useless. Hindi ko man lang naramdamang may sakit ang nobyo ko.
Napaka-walang kwenta ko naman.
Ayaw ni Nel na mag-alala ako sa kaniya kaya mas pinili niyang huwag ipaalam sa akin. Nasaktan man ako pero naiintindihan at nirerespeto ko ang disesyon niya. Pero hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko. Kung sana... sana nalaman ko lang ng maaga sana mas inalagaan ko siya.
Hindi na sana kami umabot sa punto na ito.