"Isa pa!" Rinig kong sigaw ni Nel kahit pang sampung beses na niya ako nakuhanan ng litrato sa spot na ito.
Tumalikod ako kay Nel at hinarap ang magandang tanawin sa harap ko.
Nag-trek kami ng apat na oras para maakyat namin ang tuktok ng bundok na ito. Nakakapagod, pero kapag naabot mo na ang pinakadulo, balewala ang lahat ng pagod sa mga tanawin na makikita mo.
Parang abot ko na ang mga ulap. Ang sariwa ng hangin at ang payapa ng mundo.
Sa apat taong pagkakaibigan namin ni Nel, mas nakilala namin ang isa't-isa. Tinulungan niya akong magbawas ng timbang. Maraming nagbago. Maraming lumago. May lumalim.
Mas lalo lang ako nahulog ako sa kaniya. At sa bawat paglalim ng nararamdaman ko, mas lalo akong nangamba.
Paano kung isang araw nalalaman niya ang nararamdaman ko.
Pilit kong tinapon sa kawalan ang pangamba ko saka ako lumingon sa kaniya. Hindi ko napigilang mapangiti ng nasilayan ko ang aliwalas at saya sa mukha taong nagpapasaya ng puso ko.